Chapter 2

251K 2.2K 61
                                    

CELINE'S POV

Like what he said, nasa gate na siya, nag-aabang sakin. Hindi na kasi ako nagpasundo sa bahay. May nauna kasi siyang subject kesa sakin eh. Eh ngayon, vacant time naman niya.

Hinapit  niya ako sa bewang ng makalapit na ako sa kanya. Ang sweet talaga nitong boyfriend ko.

"Hi, honey." and gave me a quick kiss on my lips.

Napangiti ako.

"Hello. Kumain ka na ?"

"Hindi pa. I was waiting for you. Akala ko nga, matatagalan ka pa eh."

"I'm sorry. Tinapos ko lang yung paper works ko sa bahay."

Nag-pout ito. Pinapahalatang nagtatampo.

"Busy ka na naman .. Mawawalan ka na naman ng time sakin."

Natawa naman ako dun. Ako, mawawalan ng time sa kanya ? Never pa yatang nangyari yun. Masyado akong inlab kay James para mawalan ng time sa kanya.

"You're funny .. It never happened, hon. It's just that, graduating na tayo. Marami lang talagang requirements. O sige, I'll finish my activities as soon as possible para mapakapag-bonding tayo."

Ngumiti ng malapad ang loko. Agaw pansin talaga ang red lips nito. Kaya naman hindi ako  nagsasawang halikan ang mokong na to. James was just .. Uh .. handsome. Wala ng mas appropriate word to describe him. Kaya naman hindi ako magtataka kung marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya even though na, may girlfriend na siya. Pero I thank God because he stays faithful to me. In our  6 months relationship, wala kaming infedility issue. Never. Even though naiinis na ako minsan dahil ang kukulit ng mga ito. Yung iba, over na. Sumusobra na. Eh hindi naman ako mahilig sa away. So I always give way. Hinahayaan ko na lang. As long as hindi rin naman pinapatulan ni James, hindi ko na pinapansin. May mas importante pang mga bagay na dapat kong intindihin kesa dun.

"Gusto ko yung masosolo kita, ha."

Nandito na naman siya. Naglalambing na naman. Gusto niya lagi siyang nilalambing. :)

Ngumiti ako.

"I'll think about that."

He grabbed my chin and kissed me again. This time, it was passionate. Pero ako ang unang bumitaw. Ayokong hintayin na may sumita samin. James was always showy when it comes to his affection for me. Pero ayoko namang abusuhin ang school.

"No need to think about it, honey." masuyo nitong sabi.

Gusto niya kasi lagi kaming nagsosolo. But we never came to the point that, something happen to us. Alam niyo na yun. Ayoko pa kasi. Isa pa, we already talked about it. Sabi niya, maghihintay naman daw siya. Tsaka, nag-uumpisa pa lang kami. I want to know him more. 6 months is not enough.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon