Chapter 13

138K 1.1K 89
                                    

"Honey, nagi-guilty ako sa ginawa natin." sabi ni Christopher.

Nakaupo ang asawa sa kama habang kumakagat ng mansanas. It's 8:00 am in the morning, mamaya madi-discharge na siya sa hospital. Mabuti na lang at naki-cooperate yung kaibigan nilang doktor.

"Don't be, Chris. Isipin mo na lang, it's for Celine's sake. Yun lang." sabi ni Jane.

Napabuntong-hininga si Christopher.

"If you have saw your daughter kung paano siya nag-alala, you'll feel the same thing I am having right now."

Natingnan niya ang asawa.

"I know it's wrong. But it's the only thing we can do for her to agree. Wag ka ng masyadong mag-isip, okay ?" and then she reaches for his hand.

Christopher just nodded.

***

CELINE'S POV

Naibaba ko ang ballpen. Wala talaga sa ginagawa kong essay ang isip ko ngayon.

Pumasok na lang ako ng maaga para sana, hindi ko na muna maisip ang mga nangyari at makapag-concentrate sa school works pero, hindi ko talaga kaya. Naiisip at naiisip ko pa rin ang nangyari kay mommy, at ang decision ko.

Magpapakasal ako kay Shaun. Makikipag-break ako kay James. Hindi na ako magiging masaya.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko. Sana pagmulat ko, wala ako dito sa library, sana katabi ko si James, masaya kaming naglalambingan, at hindi nangyayari ang lahat ng ito.

I tried to open my eyes.

But still, I'm in the same place.

And reality hits me.

Damn. It's all true.

Sobrang lungkot ko. Yung tipong, parang guguho yung mundo ko. Yung katotohanang, makikipaghiwalay ako sa lalaking mahal na mahal ko alang-alang sa magulang ko, at sobrang sakit nun sa pakiramdam.

Kasi kailangan ko pang pumili sa kanilang dalawa. Kahit na mahal na mahal ko si James, I will end up losing him even though I really don't want to.

Hindi ko man lang siya naipakilala kila mommy. Hindi nila na-witness kung gaano siya kabait at ka-gentleman.

Pinaglaban ko siya pero, natalo ako.

Bakit ganon, lagi akong natatalo ?

Kay Shaun, talo ako.

Kila mommy, talo ako.

Kay James, talo ako.

Ano bang nangyayari at bakit tuloy-tuloy ang kamalasan ko ?

Kakausapin ko pa si James. I pulled my new phone from my pocket and texted him.

Kabisado ko naman ang number niya eh.

[James, it's me, Celine. I think we need to talk right now. See you at the cafeteria. I'll wait for you, okay ?]

Nagreply agad. My face drew a sad smile.

[See you there. I missed you, hon.]

[I missed you, too.]

[I love you.]

Hindi ko na magawang mag-reply sa huling message niya. Kung magre-reply ako ng i love you too, mababago kaya ang lahat ? Sana. Kaso hindi ganon kadali yun.

Alam kong maiiyak na ako that's why I hurriedly go out from the library with all my things bago pa nila makita kung gaano ako ka-miserable.

At sa kamalas-malasan nga naman talaga, nagkalat ang notebook, ballpen at paper ko sa hallway ng may makabungguan na naman ako.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon