Chapter 55

109K 1.1K 77
                                    

Napukpok niya ang mesa habang walang pakialam na tumutungga ng alak dito sa condo niya.

Hindi pa rin niya matanggap na ganon na lang siya tinapon ni Jared. Hindi na ito naniniwala sa kanya.

She don't know but it hurts like hell.

Agad ring naramdaman ni Claire ang maiinit na luhang umaagos sa magkabilang pisngi niya ngayon.

She loves him so much.

At kahit ano'ng gawin niya, ayaw na nitong maniwala sa kanya.

Nagbalik siya para dito. At ngayon, makikita niya ito na masaya sa piling ng walang kwentang babaeng yun ?

"Damn you, Celine !" malutong niyang mura sa pangalan ng karibal niya. She really hated her for stealing Jared.

Hindi niya inaasahan ang nangyari, she thought nagkainitindihan na sila ni Jared even though na kailangan nilang maghiwalay that time. Ganon na lang ba ang galit nito sa kanya kaya nagawa siya nitong kalimutan at ipagpalit sa iba ? At sa babaeng ayaw na ayaw pa niya ?

Ginawa niya lang naman ang sa tingin niya ay tama para sa kanilang dalawa. Masakit kay Claire ang iwan ito, pero kailangan niyang gawin yun para may mapatunayan siya hindi lang kay Jared pero ganon na rin sa mommy nito na ayaw sa kanya. Pero tinalikuran siya nito. Hindi siya nahintay ni Jared.

Nasaan na yung mga salitang binitawan nito sa kanya noong Masaya pa sila ? Akala ba niya mahal na mahal siya ng binata ? bumalik siya ng bansa para dito pero ito lang pala ang mangyayari ?

Kung makikita lang siya nito ngayon, wala siyang pakialam kung kaawaan siya nito, but she will let him see how badly it hurts.

Dapat na ba siyang sumuko ? Will it be enough for her to give him up ?

Hindi niya maiwasang mapahagulhol. Sobra-sobra na ito para sa kanya. Gusto lang naman niyang sumaya kasama si Jared. Pero bakit kailangan pa nitong tuluyang mawala sa kanya ?

***

CELINE'S POV

1 month had passed. Umbok na ang tyan ko. School was already over at graduate na kami. Iyon na siguro ang isa sa mga masasayang araw ng buhay namin ni Shaun. Nakatapos na kami.

2 weeks after ng graduation namin, pinagtraining na si Shaun para sa business na hahawakan namin.

Gusto ko nga rin sanang umattend ng training pero, hindi na niya ako pinayagan dahil baka ma-stress lang daw ako, lalo na at buntis ako ngayon.

Sumang-ayon din naman sila daddy sa naging desisyon ni Shaun.

"Kung dati, ayokong i-manage ang business na to dahil alam kong hindi naman ako mage-enjoy, pero ngayon, may sapat na akong dahilan para pagbutihin ang pag-manage ng business natin. Because I have you, and soon our twins. Gusto kong patunayan sa lahat na mabuti akong ama at asawa sa pamilya ko."

Yun ang mga salitang binitawan niya ng pagbawalan niya akong umattend ng training, gaya ng napag-usapan noong bago ang engagement namin.

At hindi ko maiwasang matuwa ng sobra-sobra.

Wala na talaga akong hahanapin sa asawa ko. Nasa kanya na ang lahat ng traits na hahanapin mo sa isang lalaki.

And I'm very proud to have him.

Ang maging misis ni Shaun Jared Monteverde.

Pero nawala rin ang tuwa ko. Napalitan ng lungkot, at pag-aalala.

"Jared needs to go to Barcelona on Tuesday, baby." si mommy Jasmin.

Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Monteverde para sa isang family dinner at sa isang mahalagang announcement.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon