Chapter 47

117K 1.3K 149
                                    

Napakunot noo si James pagkatapos niyang mareceove ang tawag na yun.

Claire daw ang pangalan nito. Pero wala naman siyang kilalang Claire. At paano nito nakuha ang number niya ? hindi naman niya ugaling magbigay ng number sa kung sino-sino.

Pero nakilala siya ng babae. Paano ? Hindi kaya stalker niya ito ?

Napailing siya. Wala siyang balak na konsumihin ang oras niya sa pag-iisip ng kung sino'ng baliw ang tumawag sa kanya. Dahil may isang bagay lang siyang gusting gawin at pagtuunan ng pansin ngayon.

At yung ay ang mag-move on.

Kahit ayaw niyang gawin ang bagay na to dahil mahal na mahal niya pa rin si Celine, pero bawat araw na umaasa siya saw ala eh lalo siyang lumulubog sa lungkot at sama ng loob lalo na kung nare-realize niyang wala na talagang pag-asang magkabalikan pa sila. Hindi na niya namamalayan sa gabi na umiiyak na pala siya habang naiisip kung paano sila humantong ni Celine sa ganitong ending.

Napapikita siya ng maaalala na naman niya yung huling pagkikita nila ni Celine. Yung huling sinabi nito. Na mahal na nito si Jared. Na tapos na ito sa kanya. Tapos na silang dalawa. Na wala na siyang pag-asa. Na Masaya na ito sa iba. Masaya na si Celine kay Jared.

At kahit ilang beses pa siyanga magsinungaling sa sarili niya, kailangan na niyang tanggapin na wala na talag siyang pag-asa kahit ano'ng pagmamakaawa pa ang gawin niya.

Ilang beses na siyang naglasing para lang kalimutan yung sakit.

Pero kahit gaano pa yata karaming alak ang inumin niya, hinding-hindi mabubura yung sakit na nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng babaeng mahal na mahal niya.

He failed himself.

he failed Celine.

Napangiti siya ng mapait.

If he could just turn back time. He'll make things right for them. But he know it's too late. Too late now.

***

JARED'S POV

7:00 am.

I smiled when I saw her face.

Ngayon pa lang, kumpleto na ang araw ko. Nakita ko na ang mukha ng mahal ko eh.

Ang sarap ba namang gumising sa umaga sa araw-araw kung ganito kagandang tanawin ang makikita ko.

Nahaplos ko ang mukha niya.

Nakayakap pa rin sakin si Celine. Mahimbing na mahimbing pa ang tulog niya hanggang ngayon. Eh hindi ko pa naman siya pinagod ng husto kagabi, ah.

Gusto kong matawa.

Aminin na natin.

Mahimbing talaga ang tulog niya dahil ako ang katabi.

Feel na feel.

Maya-maya pa, nakarinig ako ng ring ng cellphone.

Kanino kayang phone yun ?

Pareho kasi kami ng ringtone ni Celine.

Umangat ako ng bahagya para makita ang nagri-ring na phone sa bedside table namin.

Sa akin yun ah.

Napakunot-noo ako.

Sino namang tumatawag ng ganito kaaga ? Shit naman. Wala akong idea.

At bakit naman siya tatawag ng ganito kaaga ?

Nahiga ulit ako.

The hell I care.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon