Chapter 39

121K 1.2K 72
                                    

Hindi niya alam kung ilang bote na ng alak ang naubos niya. Pero wala siyang pakialam.

Kahit sana ngayong gabi lang na to, makalimutan niya na, kasal na si Celine, nasa ibang bansa ito kasama ng pakitang gilas na yun at nagha-honeymoon sila.

Tama. nagha-honeymoon sila.

Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ni James ang katotohanan.

Na yung babaeng pinakamamahal niya, eh kasal na sa iba, at nagha-honeymoon pa.

Pero alam niyang may kasalanan siya kung bakit nagkaganon ang lahat. Kung bakit nauwi sila ni Celine sa ganito.

Hinawi niya ang baso na kinalalagyan ng alak na iniinom niya dahilan para malaglag yon at mabasag. Agad niyang hinawakan ang bote at tinungga ang laman nito.


Kapag naiisip niya si Celine at Jared, nawawalan na siya ng pag-asa na babalik pa rin ang dalaga sa kanya, na pwede niya pa itong mabawi, after 3 months gaya ng sinabi nito sa kanya noon, nung hindi pa niya ginawa ang kagaguhan na naisip niya.

Pero ito kasi ang tinitibok ng puso niya. Si Celine lang, wala ng iba.

She's the only one he want to be with, and spend the rest of his life with.

Hindi niya naiisip ang sarili niya na magmahal ng ibang babae.

He thought he already owned her. At hindi na ito makukuha pa ng iba.

Pero ano'ng lagay niya ngayon ?

Yung babaeng mahal na mahal niya ay nagpapakasaya kasama ng ibang lalaki.

Hindi na niya alam kung gaano kasakit ang katotohanan na yun.

Hindi naman kasi talaga niya expected na ganito ang kapupuntahan nila ni Celine.

Napukpok niya ang mesa habang hindi niya namamalayan na nababasa na pala ng sarili niyang mga luha ang kanyang mukha.


No. He will never give up on her.

Gagawin niya lahat para mabawi ito. Para bumalik lang ito sa kanya.

Alam niyang mahal pa rin siya ni Celine at hindi yun nagbabago. Kaya lang nangyayari ang lahat ng to dahil sumusunod ito sa parents niya.

Pero sa kanya pa rin ang puso nito.

Dahil hindi niya matatanggap kapag na-inlove ito sa mayabang na yun !

***
CELINE'S POV

He has really so many crazy surprises. Tama bang ang laman ng luggage ko eh puro sexy nighties and lingerie na kinasabwat pa si Patrice ?


At ang lokang bestfriend ko naman ay pumayag din ?

Nababaliw na talaga ang asawa ko. Pero hindi ko rin naman maitago ang saya. Masyado siyang maraming surpresa na hindi ko aakalaing, magagawa niya.

Gaya na lang nung candle light dinner sa gandola.


Natutuwa ako sa effort ni Shaun.


Kaya naman halos tumalon na sa tuwa ang puso ko kapag meron siyang ginagawa para sakin na hindi ko expected, pero sobrang ganda.

Sana lang talaga, hindi siya magbago kapag bumalik na kami ng Pinas.

**

Pagdating namin sa London, binisita namin ang Westminster Abbey at Tower of London na kilalang tourist spot ng bansa.


Hindi nakalimutan ni Shaun ang picture taking sa mga lugar na pinuntahan namin. Ico-complie daw niya lahat ng mga pictures namin together para kapag may mga anak na daw kami, makikita nila kung gaano kami kasaya ng daddy nila.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon