Chapter 38

134K 1.2K 85
                                    

JARED'S POV

"Saan ba tayo pupunta ?" tanong na naman ni Celine.

Kanina pa nagtatanong tong babaeng to. Hindi ba makaintindi ng surprise ? Ang kulit eh. Halikan ko kaya to, yung tipong hindi na makahinga.

Nakasakay kami ulit sa limousine, papunta sa destination namin dito sa Venice, Italy. Syempre, ibang limousine to kesa dun sa France.

Don't think na ibinayahe pa ang limousine na ginamit namin sa France sa cargo ship just to bring here in Venice.

Hahaha.

"One more question baby, and I'll gonna take you here, now." I answered her, seriously.

Nalingon niya ako, at matamang tiningnan saka ako nginusuan.

"Pervert !" at agad siyang nag-iwas ng tingin na itinuon na lamang sa labas ng bintana.

Wala ka pala, eh. Atras ka pala.

I smiled.

But atleast, excited na excited talaga siyang malaman kung saan kami pupunta.

Kesa naman sa wala siyang pakialam at ipapakitang bored na bored na siya sa company ko.

Ayokong dumating sa puntong ganon. Just like what I said, gusto kong makitang masaya lagi si Celine, lalo na kung ako ang dahilan.

Gusto ko, ako lang ang nagpapasaya sa kanya, of course, maliban sa family niya.

Hindi ko makakayang makikita na masaya siya sa ibang lalaki.

I hold her hand and gently squeeze it, making her turn to face me.

Natingnan niya ang kamay niya na hawak ko at natitigan na ulit ako.

I know she wants to ask why, pero ako mismo, hindi ko rin alam. Hindi ko pa alam sa ngayon.

I'm not sure of my feelings yet, but it's something that I don't want to stop, and it's something that I want to feel, every minute I'm with her.

"Just wait, okay ? I hope you will like it because it's all for you, baby." and I kissed the back of her hand.

And then she smiled. The most perfect view I have ever seen in my entire life. Mas maganda pa sa ngiti ni Claire. Nakakagaan kasi ng pakiramdam yung mga ngiti niya. Alam niyo yun, yung tipong, napaka-peaceful ng atmosphere kapag siya ang ngumingiti sakin, at lalong sobrang masaya ako kapag nakikita ko yung mga ngiti niyang yun, na alam ko, para lang sakin yun.

"Okay. I will." she said shortly, at masaya ako nung hindi niya bawiin yung kamay niya.

I wonder if she will fall in love with me, soon.

Or if that will really happens.

At kapag nangyari yun, ano na kayang lagay ng feelings ko para sa kanya ?

The most unexpected girl in my life, paano nga kaya kung ma-inlove siya sakin ?

Paano ako magre-react kapag mangyari yun ?

Tanda ko pa yung first condition ko sa kanya when she talked to me after what happened to tita Jane. I saw how worried she was, at feeling ko, gulong-gulo siya nun, but she's trying to manage. Pinipilit niyang gawan ng solusyon ang problema niya, even though na, labag na labag yun sa kalooban niya.

Ganon siya kabait. Ganon niya kamahal ang parents niya. I know not all people were all like her.

At alam kong, nag-iisa lang siya sa mundong to. Nag-iisa lang si Celine. And I think I'm one of a hell lucky guy to have someone like her.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon