Chapter 52

116K 1.3K 138
                                    

JARED'S POV

Alam kong late ako. And I really do apologize for that. Mabuti na lang at naabutan ko pa ang mag-ina ko dito.

Grabe, kahit puyat ako, feeling ko, nabuhay lahat ng dugo sa katawan ko. Parang full na full ako ng energy ng mga oras na to.

Lalo na nung malaman kong ... Magiging tatay ako ! Na matagal ko ng hinihintay.

At kung paano ko nalaman ? ...

FLASHBACK

I'm heading to Patrice's place, para nga sunduin si Celine.

At galit ako sa sarili ko dahil natagalan ako sa pagsundo sa asawa ko, at alam kong hindi niya magugustuhan yon.

Pagka-park ko ng kotse, agad akong bumaba at pinindot ang doorbell.

Tinawag ng katulong nila si Pat that time na napagbuksan ako ng gate.

"Jared ... Late ka na !"

"I know ... Lalo bang nagalit sakin ang asawa ko ? Where is she ? ... Uuwi na kami, Pat. Wala kasi akong tulog kaya natagalan ako. Nakaidlip ako, eh."

She frowned.

"Bakit wala kang tulog ?" at nanunuri na akala mo, may ginawa akong mali.

Nagtaas ako ng dalawang kamay.

"Hey ... Don't give me that look. Wala akong ginawang mali, no. Galit na nga sakin si Celine, eh. Hindi lang talaga ako nakatulog kakaisip kung paano ko siya susuyuin, and at the same time, worried with her condition. Hindi pa kasi kami nag-uusap ng maayos."

At doon napatango si Patrice. Mga babae nga naman, tamang hinala palagi.

"Ah ... Akala ko naman kung ano. By the way, wala na pala dito si Celine. Kaaalis lang, di mo naabutan."

Ako naman ang napakunot ang noo.

"Ha ?! Eh nasaan ?"

Natingnan niya ako. At nangitian.

"She's in maternity clinic, right now."

Natigilan ako.

Maternity clinic ?

Maternity clinic ba kamo ? ...

Unti-unting nagliwanag ang mukha ko. At napangiti ng sobra.

Shit ! Kung hindi ako nagkakamali ...

"you mean ? ..."

Nakailang tango si Patrice.

"... Yes, Jared ! Magiging ninang na ako ! I'm so excited with your baby !"

"... Oh God, thank you so much ! I'll be a daddy now !" tuwang-tuwang sabi ko.

"That's why you need to follow her. Ibibigay ko sa yo yung address, okay ?"

"You should, Pat. Excited ko ng makita ang mag-ina ko. Excited na akong maging tatay !"

[END OF FLASHBACK]

That's why I'm here. Naibigay ni Patrice ang tamang address ng maternity clinic na pinuntahan ni Celine since naitanong niya ito sa asawa ko.

Gulat na gulat ang hitsura ni Celine ng makita ako, pero nginitian ko lang siya.

Sinimangutan niya ako agad pero hindi ko na pinansin yun.

Ayoko munang isipin na magka-away kami. Ang gusto kong maramdaman ngayon eh yung excitement sa paglabas ng magiging first child namin ng babaeng mahal na mahal ko. Na sobrang matampuhin at iyakin.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon