Chapter 36

135K 1.3K 78
                                    

CELINE'S POV

Napakunot ako ng noo habang sakay ako ng isang limousine papunta sa kung saan. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Sabi kasi ni Shaun, sumakay na lang ako sa sasakyan na naghihintay sa baba ng hotel na tinutuluyan namin.

Eh sabi niya sumakay na lang ako, eh. Bahala siya kapag nakidnap na naman ako, na niya.

Pero wag naman sana.

Napangiti ako ng maalala yung note niya kanina.

Wear this, baby. I hope you like it.

-- your husband

Akala ko talaga iniwan na niya ako ng makita ko siyang wala na sa tabi ko ng magising na ako. Tapos nakita ko na lang na may katabi na pala akong red dress at black shoes.

Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko. Ano kayang gagawin namin ? Masyadong elegante ang dress na suot ko ngayon para lang mag-stroll kami sa Paris.

"Excuse me."

Nalingon ako ng driver.

"Yes, madame ?"

"Where are we going ?"

"I'm sorry, madame. But it's a secret."

Napanguso ako. Pati ba naman tong driver na to, kinuntsaba niya at ayaw ring sabihin kung saan kami pupunta ? Hayy.

Hindi ko maiwasang kabahan. Pero mas lamang ang excitement. I know Shaun will keep me safe. Hindi niya ako papabayaang mapahamak.

At mukhang pamilyar sakin ang tinatahak naming daan.

I knew it ! Papunta kaming Eiffel tower !

Sa di kalayuan, tanaw ko na ang sikat na sikat na Eiffel tower kahit na hindi pa man kami nakakapag-park ng kotse.

It's 6:50 pm already. 10 minutes more, at 7pm na, yung oras na sinabi sakin ni Shaun.

Pwede bang tumili sa kilig ? Wala pa man, kinikilig na kasi ako, eh.

Ilang beses na akong nakapunta dito dahil sa mga out of countries vacation namin nila daddy and mommy pero, iba ang feeling ko dahil kasama ko si Shaun ngayon, makakasama ko siya ngayon dito.

Kaso, kapag tumili naman ako, baka pagtawanan naman ako ng driver. Kaya pinagtiisan ko na lang at itinago ko na lang sa sarili ko ang kilig na nararamdaman ko.

Ano kaya ang meron sa loob ng restaurant na pagdadalhan sakin ng driver ?

Pumasok kami sa Le 58 Tour Eiffel, isang fine french restaurant sa 1st floor mismo ng Eiffel tower.

"Here ?" sabi ko ng malingon ko ang driver.

Napangiti siya. "Yes, madame. Enjoy your evening."

"Thankyou, sir."

"It's my pleasure, madame." at tuluyan ng umalis ang driver matapos ko siyang pasalamatan.

**

Pumasok na ako sa entrance door ng restaurant.

Madilim ?

Biglang may bumukas na spotlight. And there I saw Shaun, having an acoustice guitar on his hand, and a mic infront of him.

He started strumming the guitar, and now I'm hearing his voice, singing.

I've never gone with the wind

Just let it flow

Let it take me where it wants to go

Till you open the door

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon