Chapter 50

109K 1.1K 106
                                    

CELINE'S POV

"Best, tama na ang iyak. Ano ka ba. Makakasama yan sa baby mo." and Patrice keeps on telling me that. Pero masisisi ba niya ako ? If she's on my shoes, matutuwa ba siya kung maabutan niyang naghahalikan ang asawa niya at ang ex nito ?

It sucks, right ? It really sucks ! Pahid ako ng pahid ng mga luha ko pero, ayaw pa ring tumigil.

"Celine ! Celine, wait ! Mag-usap tayo ! Celine !" humahabol na tawag ni Shaun sakin. Pero nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad habang kasunod ko si Patrice.

Natigil ako ng hawakan ako sa braso ni Shaun. Pero, agad ko ring binawi iyon.

"Just, leave me alone, okay ?! I don't wanna see you !" at agad ko siyang tinalikuran para bumalik ng classroom. I don't care kung mag-usap man sila ni Patrice.

I just want to end this day. Gusto ko ng umuwi ng bahay. Gusto ko ng magpahinga. Pakiramdam ko kasi, hinang-hina ako. Nawalan ako ng lakas.

Gustuhin man niyang pumasok sa classroom namin, hindi siya authorized dahil examination day ngayon. For sure na hindi siya papayagan ng prof namin. Kaya, kampante akong, hindi magpipilit si Shaun na mag-usap kami.

Agad akong naupo sa upuan ko pagkapasok ko sa room. Naramdaman kong tumabi sakin si Patrice.

"Best ... Wag mo na munang isipin yun masyado. Tandaan mo, may laman na yang tyan mo. Mai-stress din ang baby mo kung mag-iisip ka ng mag-iisip. You guys need to talk. Malay mo naman ... Hindi naman talaga gusto ni Jared yung nangyari. Alam mo naman yung ex niya di ba ? Bobo yata yun at hindi makaintindi. Ayaw niya kayong tantanan. Nakakabadtrip talaga siya ! Napaka-bruha niya, my goodness ! Grrr !" at halata ko sa kaibigan ko ang pagkagalit dahil sa nangyari. Pero may point din naman si Pat. Kung mag-iisip lang ako ngayon tungkol sa nangyari kanina, for sure, mai-stress ako. At maaapektuhan ang baby ko. Ayoko namang mangyari yun. Ayokong siya ang mag-suffer.

Pero ano pa bang dapat naming pag-usapan ? Do I still need to hear his explanation ? Eh kitang-kita naman kanina kung ano ang nangyari.

"Best ? Best ! Ano ka ba ... Bakit ka nananahimik dyan ?" alalang tanong ni Pat.

Nalingon ko siya. At agad na napahid ang mga luha ko.

"I just want to end this day, Pat. I want to go home."

She sighed. And just nod.

Alam kong naiintindihan ako ng kaibigan ko.

Naituon ko na lang ang atensyon ko sa pagsagot sa exam. Nahihirapan akong mag-focus, pero ayoko ng isipin ang nakita ko kanina. Lalo lang akong nasasaktan. Tumulo na namang muli ang luha ko, pero agad ko rin yung napunasan. God. I'm a mess.

"Mrs. Monteverde, is there a problem ?" tanong ng prof namin.

Napilitan akong magtaas ng mukha, at napilitang ngumiti.

"Ah ... T-there's no problem, ma'am."

Naramdaman ko ang pagtapik ni Patrice sa balikat ko.

Nalingon ko siya.

She gave me that soon-it-will-okay look. Na tinanguan ko na lang.

***

After 2 hours, tapos na rin ang finals.

"O best, hatid na lang kita, ha. Para naman masiguro kong, makakauwi ka ng safe sa inyo." sabi ni Pat.

"No, Pat. I'm okay. Kaya ko namang mag-drive, ano ka ba. Don't worry, uuwi naman ako ng diretso eh. Saan pa ba ako pupunta ? I just want to take a rest now. "

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon