Chapter 29

134K 1.4K 49
                                    

Naglalakad silang dalawa ni Celien kasunod ang 2 bodyguards nito papuntang library para tapusin ang naiwang activity sa major subject nila.

"Best, ano'ng motiff niyo sa kasal ?"

"I don't know. My wedding coordinator naman na nag-aasikaso nun, eh. Pero sabi nila mommy, red and white daw."

"Excited na akong makita ang wedding gown mo. I'm sure, mapapanganga si Jared niyan sa yo !"

Napangiti ang kaibigan. Nakikita naman niyang Masaya ang bestfriend niya sa company ni Jared pero ayaw nga lang mag-share ng mga sweet moments nila. Pero hindi na rin naman siguro kailangan yun dahil madalas namang showy at expressive si Jared kay Celine. Hinahawakan kamay niya, niyayakap, and he even kiss her kahit na may mga nakatingin na sa kanila. Baby pa nga ang tawag nito kay Celine. Kaya naman pala maraming nagkakagusto kay Jared, eh ubod naman kasi ng sweet.

Hindi niya nga lang maintindihan kung bakit sinasabi ni Celine na hindi ito pwedeng mainlove kay Jared, eh obvious naman na, may pakialam sila sa isa't-isa. At ang katotohanang, naging knight in shining armor pa ni Celine si Jared at nag-hire pa ng 2 bodyguards para lang sa safety ni Celine ay sapat ng dahilan para mahulog ito sa childhood enemy nito, kuno.

Eh sino ba namang hindi maiinlove sa ganong mga bagay ?

"Best, hindi ka ba nagagwapuhan kay Jared ?" tanong niya.


Nalingon niya ako.

"Ano'ng klaseng tanong yan, Pat ?" kunot-noo ito.

She smiled. "Basta sagutin mo na lang."

"Si unggoy ? Eh malamang gwapo yun, ang dami ba namang babae, eh !"

"Eto naman, makaunggoy ! Akala mo, hindi fiancee ! Ang sama mo ! Yung tao sweet na sweet sa yo tapos ikaw ganyan."

Nagbago yung expression ng mukha ni Celine, at napangiti na.

"Sorry, sanay kasi ako. Ako nga, tinatawag niyang lampa."

"O sagutin mo na yung tanong ko."

"Sinagot ko na, no."

"Wag kang playing safe. Gusto ko, ang sagot mo, oo o hindi lang."

She sighs.

"Oo na. O, masaya ka na ?"

"Ay, napipilitan ?"

"Ito naman, sinagot na nga eh. Ewan ko sa yo !"

Natawa siya sa pagkapikon ng bestfriend.

"Eh kasi naman, kung sumagot, parang wala sa loob ! Hindi mo ba siya gusto ? Hindi ka pa ba inlove sa kanya ? Eh paano kung mainlove siya sa yo ?"

She stopped walking. At nalingon siya ng dalaga.

"Pat, imposible yang sinasabi mo."

"Why ? Hindi naman mahirap mahalin si Jared. Gwapo na, sweet pa, super hot, matalino, thoughtful, ano pa bang hinahanap mo ?"

"Wag mo na akong ipilit sa kanya dahil hindi naman siya maiinlove sakin. Isa pa, hindi pa rin ako nakaka-move on kay James."

"What ? Hanggang ngayon ?"

"Minsan naiisip ko pa rin siya. Kaso, kapag naiisip ko naman siya, hindi ko naiisip yung mga happy moments namin. Kung hindi yung ginawa niya sakin. That's why I'm trying very hard to forget him. Para kapag magkita kami ulit, hindi ko na siya maaalala bilang isang masamang tao. You know what, pag-uwi ko nga kagabi, may stem ng rose dun sa labas ng unit ko. Galing sa kanya. At may note pa."

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon