"Ivo, don't run!"

Sigaw ko dito dahil bigla-bigla nalang itong tumakbo mabuti nalang ay nakasunod ang Yaya nito. We're at the mall already. Pagkatapos namin kumain kanina ay niyaya na agad ako ni Ivo sa mall. Napa-iling pa nga ako dahil napaka-aga pa para magbukas ng mall kaya mabuti nalang ay nakumbinsi kong maglaro muna ito. I took a leave from the office. Gusto kong bumawi kay Ivo also I want to spend my time with him. Kahit na ilang buwan palang akong nakakauwi, namimiss ko na agad ang anak ko. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko dahil he's all I have. Siya nalang ang nagpapasaya sa akin.

Nandito kami sa loob ng toy store and Ivo can't help but be amazed dahil sa dami ng laruan. N'ung nasa London kasi kami, bihira lang kami lumabas ng anak ko. Dahil hindi pa pwedeng mapagod nang sobra-sobra si Ivo. He's anemic unlike Bella. The reason why Bella died was because of too much blood in her body that strained her heart failure dahil nga natakpan ni Bella si Ivo habang nasa sinapupunan ko sila.

"Mommy, I want this!"

Ivo rushed to me at ipinakita ang hawak nitong malaking toy car.

"Baby, you already have one of those. Pili ka nalang ng iba." Sabi ko dito. It's another toy car. I don't know but I think my son is so obsessed with cars. I mean, halos lahat nalang ng laruan nito ay puro kotse.

Bigla naman lumungkot ang mukha nito at nagbaba ng tingin sa akin. I lowered myself para magpantay kami.

"Sweetie, what's wrong?"

Umiling-iling ito. Hawak pa din nito ang toy car. Napabuntong-hininga ako. Kapag ganito si Ivo, it means gustong-gusto niya ang isang bagay. What can I do? Hindi ko naman matitiis ang anak ko.

"Okay. We'll get that." Sabi ko dito. Agad naman nag-angat ito ng tingin sa akin.

"But, you have to choose other toys. Entaxei?"

Lumiwanag ang mukha nito at tuwang-tuwang tumango sa akin. I smiled at him. Tumakbo naman pabalik si Ivo to where the toys are. Sinundan ko nalang din siya at ang Yaya niya. Habang naglalakad ako, nahagip ng mga mata ko ang mga pangbabae na laruan. My feet stopped from walking. My eyes wonder to the girl toys. Bigla kong naisip si Bella. Kung nabubuhay lang ito, kasama namin siya ni Ivo ngayon na namimili ng mga laruan.

It was always my dream to have a baby girl. And I can't help but suddenly feel nostalgic. I just wished that Bella lived longer. Kung ganu'n man ang nangyari, I'm sure masayang-masaya kami ngayon. But I guess there's a reason why this happened to us. I'm just thankful that I still have Ivo.

Erin, he's still the father. He has the right to know

What Kuya said last night suddenly popped in my head. I know Ivan has the right to know about our kids. Alam na naman ni Ivan ang tungkol kay Bella and I think that's enough for now. Tulad ko, hindi naman din niya alam na kambal pala ang dinadala ko. I should've expected it dahil nasa lahi nila Ivan ang kambal pero hindi na nasagip sa isip ko noon ang tungkol dun. Natatakot ako na baka kunin niya sa akin si Ivo kapag nalaman niya ang tungkol dito. Limang taon ko sila hindi pinagkita. At kilala ko si Ivan, kukunin niya si Ivo sa akin dahil sa ginawa ko and I cannot allow it. Ngayon pa na pakiramdam ko ay lalo kaming napapalapit ni Ivan muli sa isa't isa. Kailangan ko mag-ingat. The wounds he gave me started to open again. Hindi ko pa kayang mapalapit lalo kay Ivan.

Hindi ko namalayan na may tumulong luha na pala mula sa mga mata ko. Agad ko namang pinunasan ito at nagsimulang maglakad na para hanapin sila Ivo. I found them at the last aisle of the store. Agad ko naman silang nilapitan.

"Mommy, look! I picked other toys like you said."

I smiled at him. "Very good."

We waited in line and paid for the toys pagkatapos ay niyaya na si Ivo na mag-ikot pa sa mall. It's lunch time na din kaya naisip kong kumain na. Besides, Ivo needs to eat at the right time because of his medicines. Yes, may medication si Ivo for his iron supplement.

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Where stories live. Discover now