"May I?"


Napalingon sa likuran ang dalaga noong makarinig ng boses mula roon. It was Brent who offers her a help. Ngumiti ang dalaga sa kanya kaya't agad niya itong pinagbuksan ng pinto.


Kinuha rin niya ang ilan sa hawak nito upang maayos na maibigay sa guro. Matapos ng ilang minuto ay masayang lumabas ang dalawa sa pinto ng faculty room. Nagtatawanan silang binagtas ang hagdanan nang biglang magsalita si Brent.


"I'm so happy today!" Brent announced. Shery smiled as if saying same here.


Mula sa masaya ay mabilis naging seryoso ang binata. Mabilis niyang idinampi ang kanang kamay sa pisngi ng dalaga na ngayon ay nakatingala sa kanya. Nagbago rin ang ekspresyon ng dalaga na parang nagtatanong.


"Seriously I'm happy when you're happy. Seeing you laughing brings joy in my heart. Please don't cry anymore!"


"Brent you make me smi---," agad pinigil ng binata ang noo'y sasabihin ng dalaga sa pamamagitan ng kanyang hintuturo. "I like you Shery!"


Natatakot ang binatang umamin ng kanyang nararamdaman sa dalaga dahil baka iwasan siya nito pero hindi na talaga niya mapigil ang sarili at nasabi niya ang dapat ay iniisip niya lang.


Ang tagal sumagot ni Shery at base sa mukha nito ay gulat na gulat talaga kaya noong biglang yakapin nito si Brent siyang ganting yakap niya dito.


Tumagal ng isang taon na palagay ang loob ng dalawa. Kung babasehan ang bawat kilos ng dalawa ay parang sila na gayung hindi naman sinabi ni Shery na sila na. Hanggang dumating ang panahong aminin ni Katie ang nararamdaman sa binata, narinig iyon ni Shery kaya agad siyang nagparaya at lumayo sa binata. Hindi alam ni Brent kung ano bang dahilan kung bakit siya iniiwasan ni Shery at ang kambal nito ang madalas na nakakasama.


Sa tuwing nagkakaroon nang tsempong makita ang dalaga ay agad siyang lumalapit dito ang kaso kasabay nang pagsulpot ni Katie kaya't hindi siya mabigyan nang pagkakataong makausap manlang ito. Hanggang sa tuluyan nang hindi nagpakita si Shery sa eskwelahan at kumalat ang balitang nag-aral ito sa ibang bansa upang mas mapalawak ang kaalaman.


NAINIP ang binata kaya't muli itong naglakad. Natatarantang napapikit ang dalaga sa inis. Iniisip kong ano bang dapat sabihin sa binata. Sana lang ay paniwalaan siya nito.


"I'm sorry!"


Muling huminto ang binata kaya kahit nanghihina ay pinilit ng dalagang makatayo. Gusto niyang yakapin ito at iparamdam kung gaano kasakit na mapalayo rito.


Nanginginig ang mga binting inihakbang upang makalapit habang ang mga kamay nito ay parang gustong hawakan ang binata pero ang layo ng distansya nila samahan pa na hindi niya maramdaman ang mga binti dahil sa pagkamanhid. Sa ikalawang hakbang ay hindi na kinaya ng dalaga at napasalampak kasabay nang muling paglakad ng binata palayo na tila hindi na kayang maghintay sa paliwanag na hindi kayang sabihin ng dalaga.

PASSWORD  (Completed) (Raw)Where stories live. Discover now