Yun ba ang mahalagang announcement na sinasabi nila ?

Actually, nagulat din si Shaun. Hindi lang ako.

"Bakit naman, mommy ? Di ko pwedeng iwan si Celine. Buntis siya." tanong ni Shaun.

"Hijo, kung pwedeng ako na lang ang magpunta dun. Pero may importante din kaming ginagawa dito sa branches natin. Gusto sana naming iba na lang ang magpunta dun dahil alam kong, hindi mo maiiwan si Celine, pero at this point, we have no choice. Ikaw lang ang pwedeng pumunta ng Barcelona para i-check ang mga branches natin doon. I hope you two can understand." paliwanag ni daddy Chris.

Natingnan ko sila mommy Jane and Jasmin.

They seem to be apologetic.

Alam kong hindi nila ginusto yon.

Napalingon ako kay Shaun ng pisilin niya ang kamay ko. And telling me that it will be very quick and I have nothing to worry about.

Nangitian ko siya ng matipid.

For sure mamimiss ko siya ng sobra.

"Gaano po katagal ?" tanong ko.

"2 weeks, Celine." si daddy Sonny.

2 weeks ?! What ?!

Hindi ba pwedeng, 3 days lang ?

Ang tagal-tagal naman ng 2 weeks ! First time na mawawala ng ganon katagal sa tabi ko si Shaun, at paniguradong mahihirapan akong i-deal yun dahil di ako sanay.

Never akong masasanay na wala ang asawa ko.

Ngayon pa lang, parang gusto ko ng umiyak.

Kaya kaya namin ng mga babies yon ?

Halos di ko na malunok ang kinakain ko. Parang gusto ko ng umuwi at yakapin ng parang wala ng bukas si Shaun.

Ayoko siyang umalis.

Ayoko talaga.

"Daddy, wala na po ba talagang ibang pwedeng magpunta dun ? Dito na lang si Shaun, please. I need him. Buntis po ako." pagmamakaawa ko.

"Oo nga po. Ayokong umalis, dad, mom. Iba na lang po. Mas kailangan ako ng asawa ko at ng kambal. Tsaka kaka-training ko lang. Wala pa akong sapat na experience." sang-ayon ni Shaun.

Napabuntong-hininga si mommy Jane.

"Guys, if only there's someone available from us who can go there, we'll not say this to you. But it's just that, sobrang importante lang ng gagawin ni Jared and it happened that, pare-pareho kaming busy sa kanya-kanyang trabaho namin in the company. So I'm hoping na maki-cooperate kayo. Because after a month, magpapatakbo na si Jared ng bagong business. I know your condition, and don't worry, napag-usapan na namin yan nila Jas. Na habang wala pa si Jared, dito ka na lang muna sa bahay para ma-secure ang health and safety niyo. Kaya walang dapat ipag-alala si Jared while he's in Barcelona. 2 weeks lang naman yun, Celine. Alam kong ayaw niyong maglayo, pero, this is also for your own good. Para sa future ng mga apo namin." paliwanag ni mommy.

Wala na akong sinabi. Tumahimik na din si Shaun.

Alam kong hindi niya rin gustong umalis.

Pero mukhang wala kaming choice, sa ngayon.

Kapag business ang pag-uusapan, hindi pwedeng humindi kay mommy, lalo na at sa kanya galing ang order

***

JARED'S POV

Bad news naman o ! Ano'ng balita naman yun ?! 2 weeks akong nasa Barcelona ?!

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon