Naupo ako sa harap niya at ng OB na kausap na niya ngayon.

"Hi, good morning. I'm Jared Monteverde, I'm the husband."

Ngumiti ang doktora.

"Oh ... What a supportive husband you have, Celine ... At bagay na bagay kayong dalawa, ha. For sure, maganda ang lahi ng mga anak niyo." nakangiting sabi ng doktor.

Natingnan ko siya, at mukhang napilitan lang na ngumiti.

Teka, totoo namang maganda ang lahi namin, ah.

Bakit parang ayaw niya ?

"Doc, how's my wife ? Okay lang ba siya, even though na, buntis na siya ngayon ? Kasi, nung nakaraan, madalas yung pagkahilo at pagsusuka niya, eh."

"That's normal, Mr. Monteverde. Morning sickness ang tawag dun. Normal yun sa 1st trimester ng pregnancy ng misis mo. Eh dalawa ba naman ang nasa loob eh. Kaya medyo mahirap pa para kay Celine ang stage na to."

Natigilan ako.

Ano daw ?

Nagkatinginan kaming dalawa.

Siguro, nabasa niya kung ano'ng nasa isip ko.

"Yes, Shaun ... We will have twins, after 9 months."

At doon gumuhit ang malapad kong ngiti.

Shit ! Kambal ang anak ko !

Oh my God !

Ang gandang blessing naman nito !

Agad akong umusog palapit kay Celine, at nahawakan ang kamay niya.

Pilit man niyang binabawI iyon, sorry pero, hindi ko kayang pakawalan ang kamay niya sa mga oras na to.

Mamaya na kami magdi-deal sa pinag-awayan namin. Ang importante, 2 agad ang anak ko !

Yessssss !

"For sure, matutuwa ang mga oldies nito, baby. Imagine, naka-dalawa agad tayo !" tuwang-tuwa na sabi ko.

Natingnan ako ng masama ni Celine.

Natawa rin si doktora.

"Nakakatuwa naman kayong dalawa ... Ganyan ba kayo maglambingan ?"

"Well, it's more than like this, doc ... By the way, kamusta naman po ang babies namin ? Na-ultra sound na po ba si Celine ?"

"Yes. At yung mga babies niyo, healthy naman sila. Normal ang heartbeat ng twins. Wala tayong problema basta ba, healthy lang ang pagbubuntis ni misis. I'll be giving the dos and don'ts para masiguro nating magiging maayos hindi lang ang mga baby niyo, pati na rin syempre ang mommy nila."

I smiled.

"Sure, doc ... And, one last thing."

"Yes, Mr. Monteverde ?"

Natingnan ko si Celine, at saka nginitian.

"Pwede pa ba ?"

Doon ako nahampas ni Celine.

"Shaun ?! Ano ka ba ?!" obvious na nagulat sa tanong ko.

"Ano ka ba, okay lang naman yun, eh."

Natawa ulit ang doktora.

"Oo naman, as long as hindi masasaktan si misis, at yung mga babies. Pwedeng-pwede pa yan, mister."

Akala ko kasi, 9 months akong magtitiis. Hindi ko kaya yun.

Gusto kong tawanan ang asawa ko ng mga oras na yun dahil namumula na naman ang mukha niya. Hahaha.

Pero napisil ko na lang ang hawak-hawak kong kamay niya.

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now