Bigla niya akong hinawakan sa braso at pinakalma. "It's just a small scratch. Hindi pa ako mamamatay Krissanta." sabi nito sakin eye to eye.
Teka tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ako sa pangalan ko? Bakit niya alam ang pangalan ko?
"Pero.." pinutol niya na kaagad ang sasabihin ko. "Don't worry. Kiss mo nalang para mawala ang sakit."
sabay ngumisi siya ng malaki sa akin. Pinalo ko ulit siya sa braso ng malakas. Napangiwi siya sa sakit.
"Nek nek mo! Bahala ka diyan!" agad ko siyang tinalikuran. "Aray!" sigaw niya sa likod ko. Napalingon naman ako bigla sakanya. Kahit naman papaano konsensya ko pa kung ano mangyari sakanya.
"Akin na nga!" Hinablot ko agad ang braso niya. "Ang brutal naman talaga nitong babae na 'to." bulong niya naman. "Anong sabi mo?" sabi ko sakanya. "Wala-- Wala sabi ko ang ganda mo." kinurot ko yung braso niyang mariin. "Araaaaaay!" Napahiyaw siya sa kurot ko. Halos matawa tawa ako sa kanya ngunit pinipigilan ko lang. Nakakatuwa kasi ang mukha niya pag nasasaktan. Mukha siyang maliit na bata kung ngumawa.
Sa layo na rin ng nalakad namin, napadpad kami sa convenient store. Bumili na rin ako ng band aid, betadine, alcohol at bulak para sa sugat niya. Napalingon ako sakanya habang nakapila sa counter. Ayun naman siya, nakaupo lang sa tabi ng bintana at nakatitig sa sugat niya. Mukhang matindi nga ang sugat na natamo niya sa aksidente kanina.
"Akin na braso mo." Umupo ako sa tabi niya at inilagay ang supot na napamili ko sa table. Iniabot niya naman ng walang pagaalinlangan ang braso niya sakin.
Bago ko man linisin yung sugat at gasgas niya agad ko naman natanong kung bakit siya biglang sumulpot dun sa tawiran.
"Ah..ehh..hmmm. Papunta akong mall tapos ahhh....na kita... kita." Nauutal pa siyang sumagot sakin. Binigyan ko agad siya ng huwag-mo-akong-lokohin look dahil ramdam kong nagpapalusot lang siya.
"Promise! Peksman!" sabi niya sakin at nagcross pa ang isa niyang kamay sa dibdib niya. Nagkibit balikat nalang ako. Hindi na dapat pagawayan kung ayaw niya sabihin talaga ang totoo, ang mahalaga nailigtas ako at ligtas din siya na nagligtas sakin.
Habang kinukuha ko sa supot yung alcohol napansin ko na hindi na maipinta ang mukha ni Jethro kanina pa. Para siyang batang nadapa na takot mahilom yung sugat. Nilagyan ko na ng alcohol ang bulak at ilalagay ko na sa sugat ni Jethro nang bigla niya naman itong iniwas.
"Bakla ka ba?" sigaw ko sa kanya. "Ako? Bakla?" sagot niya sa akin na tila hindi siya makapaniwala na sinabihan ko siya ng ganun.
"Oo bakla ka! Bakit ayaw mo magpalagay ng alcohol? Parang alcohol lang!" natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
It Started With a Quiz
Teen FictionHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 6
Magsimula sa umpisa
