Yun ang narinig kong malinaw na malinaw na sinabi nung lalaking nagligtas sakin sa lalaking muntik na akong mabunggo.

Teka ano ulit sabi niya?

Girlfriend?

O_O

O_o

O_O

Kelan pa ako nagkaboyfriend?

Wow! Instant ah.


Ngayon ko lang naabsorb yung sinabi niya dahil tulala pa rin ako.



"Sorry. Hindi ko naman akalain na papatawid siya." sagot naman nung driver. Agad namang lumabas na rin yung babaeng sakay nung kotse na kasama nung driver. Napatitig yung babae sa lalaki na nakaligtas sa buhay ko. Agad namang nanginig ang mata nito.

"Sorry dear." sabi nung babae na kasama nung driver habang nagpapacute.


"Tell that boy to be careful! He might kill someone!" duro nung nagligtas sakin sa lalaking nagmaneho nung kotse.


"Okay dear. I'm so sorry." akmang papalapit na ang babae sa lalaking nagligtas sa akin at tila aakitin. Agad naman hinaltak nung lalaking muntik makabunggo sa akin yung babae. At sila'y nagtalo sa gitna ng kalsada. May naganap na selosan ata.



Nagbusina naman ang mga kotse sa likod nila dahil nakaharang sila at berde na rin kasi ang stoplight. Agad naman hinawakan nung lalaking nagligtas sa akin yung kamay ko at ipinunta ako sa gilid ng kalsada.






"Okay ka lang ba?" Agad niya akong tinitigan sa mukha at makikita mo sa kaniya ang pag-aalala.


Nanlaki kaagad ang mata ko.



Si Jethro pala 'tong nasa harapan ko. Si Jethro pala yung nagligtas sa akin kanina. Si Jethro rin pala yung yumakap sa akin at pinrotektahan ako. Hindi ko man lang napansin kanina pa na siya pala yun.




"A-ah-hh. O-o-kay n-na-naman ako." Hindi ko aakalain na yung taong kinamumuhian ko, siya pang nagligtas sa akin.



"Are you sure?" muli niyang tanong sakin. Tumango naman ako.



Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina. "Teka bakit mo ko niyakap kanina? Manyak ka talaga eh noh! Manyak! Hindi ka pa nakuntento walangya ka! Sinabi mo pa na girlfriend mo ako." Pinaghahampas ko siya sa braso.



"Talo ka pa ba?" pagyayabang niya namang sagot sakin sabay inayos yung polo niya. Mas lalo kong nilakas ang hampas ko sa kanya. Pinagtitinginan na nga halos kami ng mga dumadaan dahil sa pagtatalo namin.


Agad siyang ngumiwi at napa-aray. Hindi ko namalayan na may gasgas pala at may dumudugong sugat yung braso niya.


"Waaaah!!! Sorry! Sorry talaga! Di ko alam! Hala! Dalhin na kita sa ospital!" Nataranta nalang ako at nagsisigaw sa takot.


It Started With a QuizWhere stories live. Discover now