Prologue

16.4K 262 13
                                    

Disclaimer: This story is purely fictional. Every characters, scenes, and places are all made up. Any, scenes that are the same are purely coincidental.

©️ All Rights Reserved

****

"Attention to all passengers, please fasten your seat belts we will be landing in a few moments. Thank you for flying with us."

I looked outside the window of the plane. Nakikita ko na ang mga lupain at ilang minuto nalang ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan ko.

Humugot ako ng malalim na hininga bago tuluyan tinanggal ang seat belt ko nang makalapag na kami. Kinuha ko na ang hand carry bag ko at bumaba.

Pagkatapak ko sa labas ng NAIA ay nakaramdam ako ng kakaiba. Limang taon na ang nakalipas simula nang huling tapak ko dito. Napalingon-lingon ako sa palagid. Hindi pa din nagbabago ang mga ito. Ramdam na ramdam ko din ang init na matagal tagal ko na ding hindi nararamdaman.

Kasabay ng pagbabalik ko ang siyang pagbabalik ng mga alaala na pilit kong kinakalimutan sa loob ng limang taon. It's still haunting me and I can't help but feel the pain that keeps on coming back. I thought when I leave this place, I would be able to move-on but who am I to fool? Moving on was never easy.

Napapikit ako ng pumasok sa isip ko ang isang image ng lalaki. Ang lalaking puno't dulo ng lahat. Ang lalaking kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko. For five freaking years, he didn't leave my mind especially the monster that's been beating rapidly inside my cage!

I shake my head para mawala siya sa isip ko. Kinalma ko ang sarili ko. That's not the reason I came back here.

For five years I have trained myself to be strong, to hide my emotions. Hindi ko sasayangin ang limang taon para sa wala lang. Para sa mga walang kwentang tao.

"Welcome back to the Philippines, miss"

Napalingon ako sa nagsalita and smiled sweetly. Yes, I'm back.

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Where stories live. Discover now