Bigla na naman sumagi sa isipan ko ang lalaking yun pati na rin ang paghalik niya sa kamay ko. Sabay namang napatingin ako sa kamay ko. Yuck! Pinunasan ko ito ng panyo agad agad sabay alcohol.
Pero sino nga ba yung hinayupak na yun? Ako na lang yata ang hindi nakakaalam sa pangalan niya. Hindi rin naman kasi akong interesadong alamin kung ano pangalan niya.
I guess may alam si Orella dito dahil alam kong crush niya ang isa sa mga yun.
"Tell me something about A5." bulong ko kay Orella na halos matunaw na yata ang libro sa sobrang titig niya.
"Huh?" Mukhang hindi makapaniwala si Orella sa sinabi ko.
"I said tell me something about A5. Diba crush mo yung isa dun?"
"Ah, Oo KJ! Pero teka, teka lang ah. Kanina lang galit na galit ka dun?" Pagtataka niya sakin.
"Tapos magtatanong ka ngayon? Ano napasok sa isip mo?" Nabuhayan siya bigla. Kanina lang namumutla na siya sa kakabasa ng libro sa Algebra tapos ngayon parang naiupo sa silya elektrika at nabuhay ang kalamnan pati kaluluwa. "Crush mo na rin no?" sabi pa niya ng pabiro at nagsisimulang mag-asar.
Nakatikim kaagad siya ng hampas sa akin. "NO! ako? Magkacrush dun? Sa mga insektong tinubuan ng pinya sa buhok na mga yun? What the hell!
NO WAY! Hoy teka, masama na ba magtanong ngayon?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nagkibit balikat lang siya. "So pwede mo na bang ikuwento ha?"
"Oo na po mam. Ang A5? Kilala sila sa school natin obvious naman diba? Isa sa mga grupo ng tinitilian dito sa campus. Binubuo sila ng limang kalalakihan. Galing sa Class B yung dalawa at Class C yung tatlo. Puro may letter A yung mga pangalan nila. Alexander, Andrew, Angelo, Axel at Archie. Si Alexander at Andrew my loves sa Class B sila. Sila Angelo, Axel at Archie naman eh sa Class C. Mas kilala sila sa pangalang Jethro, Drew, Gelo, Axe at Chie."
Tumayo pa ito habang tinuloy ang pagkukuwento. "At!!! Kaya rin sila sikat, kasama sila sa mga pambato natin sa basketball. Si Jethro naman siya yung MVP ng buong school natin for 2 consecutive years. Hindi pa siya napapalitan."
Napanganga na lang ako sa mga sinabi ni Orella. Alam na alam niya bawat detalye. Eto ba namang SSG President na 'to hindi mo aakalain na kasama din pala sa a.k.a. "fans" nila.
"Ahhh. Ano namang pangalan naman nung lalaking nabunggo ako kanina?" tanong ko agad sakanya dahil hindi na ma-take ng curiousity ko kung sino ba talaga siya.
"Ah si Alex! Jethro Alexander Anderson..Ang pogi niya ano bespi?" ^_^
"Tsssss." Yun nalang ang nasabi ko sakanya. Pogi nga pero naku kung alam niya lang ginawa nun sakin kahapon.
At ngayong alam ko na, isusumpa ko siya! Pupunta na ako kaagad sa mangkukulam para ipakulam siya. Para pumanget yung hinayupak na yun!
Siya lang naman kasi ang dahilan ng sipon ko ngayon.
Ang dahilan ng kulang ako sa tulog ko kagabi.
Ang dahilan ng pagsleeptalk ko.
Ang dahilan ng pagdagdag ng mga may galit sakin,
Yung sinasabi nilang "fans" nila ng dahil sa ginawa niyang paghalik sa kamay ko sa harap ng maraming tao kanina sa cafeteria.
Isusumpa ko na talaga siya!!!!
*KRIIIIIIIIIIIIING*
Sa wakas at uwian na rin! Sinayang ko lang ang oras ko na nakanganga sa library habang yung mga kaklase ko 'di magkanda-ugaga sa kakaaral ng lesson sa math.
Palabas na kami ng building nang bigla namang nagring ang cellphone ko. Tinakpan ko agad ang speaker nito dahil sa naka max ang volume neto. Mabuti nalang nasa labas na kami ng library nung nagring kundi kumpiskado nanaman ang cellphone ko at malilintikan nanaman ako sa masungit na librarian na yun.
"Una ka na bespi Lablab!" Sabay yakap ko sakanya.
"Huh, Bakit?" Nanlaki ang mga mata niya bigla at nagtaka sakin. "May dadaanan pa akong libro sa bookstore. Pinareserve ko kasi for the project. Susunduin naman ako ni manong Erning eh. Bye na! Labyu!" Alam ko naman na nag-aalala lang naman siya sakin na parang nanay. Tumango nalang siya sakin at nagpaalam sa isa't isa.
Maswerte ako na kahit napakasungit ko, may isa akong kabigan na nakakatiis sa akin. Kahit na kilala na akong monster dito sa buong academy, pinagtatanggol niya pa rin ako dahil siya lang ang nakakaalam sa Krissanta na hindi kilala ng sinuman. Pag nakakarinig siya ng masasamang salita sakin, agad niyang pinapapunta ang mga ito sa SSG office sabay paglilinisin bago maibalik ang ID nila. Ang galing niyang gumamit ng kapangyarihan di ba? That's what friends are for.
*KRIIIIIIIIINGGGGG*
*KRIIIIIINGGGGGGG*
Napatingin uli ako sa cellphone ko dahil naiirita na ako dahil tunog ng tunog ito.
"Hay naku, ETO NA! Kung sino ka man! Eto na sasagutin ko na nga eh!"
Nung sasagutin ko na, napansin kong hindi siya nakaregister sa contacts ko.
Number lang?!
Incoming call
0935 ********
Sinagot ko na yung tawag.
"Hello?" Walang sumasagot. Hinintay ko na may magsalita kaso wala pa rin.
"Hello?" ulit kong sinabi.
Ibababa ko na ng biglang may narinig nakong may nagbuntog hininga sa kabilang linya.
"Hi. I love you."
*toot toot toot*
Sabay binabaan ako.
Ano ulit? I love you daw? Sino yun?
------------------------------
Author's Note:
Hello there bitin ba kayo?
Bwahahaha kilala na ni Monster ang full name ni Jethro. Paktay kang chickboy ka!
Pero sino kaya yung tumawag kay Krissanta? Baka wrong number nga lang talaga? Bwahahahaha
Comment dali kung sino!:)
Votes are needed! ^_^
Follow nyo din ako!:)
Next UD, Coming!
Andiyan na rin pala ang mga mukha ng mapopoging A5 :")
Thankyouuuuuu. ❤
twitter: @elishaaang
~queendaldalita
:*
ESTÁS LEYENDO
It Started With a Quiz
Novela JuvenilHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 4
Comenzar desde el principio
