"Bakit ba kasi haharang harang kayo ha? Hindi ba uso sainyo ang mag one line keep right? Kailangan ba na lima kayong nakahilera at sabay sabay? Hindi ito mall or park or runway para magpasikat at rumampa kayo. Okay? Wag kayong masyadong bilib sa sarili niyo!" pinagtaasan ko siya ng kilay at sinigurado ko talaga na malakas ang boses ko yung tipong maririnig ng lahat ang sinasabi ko.
Kilala ko 'tong isang ito! Pamilyar ang mukha niya sa akin. Siya yung lalaki kahapon. Ahhhh—At kasama pala siya sa mga ulupong na'to.
Nakatitig lang siya sakin ng ilang segundo nang biglang nagsalita. "Sorry. Hindi ko sinasadya. It was an accident, beautiful." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito, bago ko man naiwas yung kamay ko nakaramdam na ako na may dumamping malambot na bagay sa likod ng palad ko na naging dahilan naman upang magtilian nanaman ang mga kababaihan sa cafeteria.
Patuloy na sila ulit naglakad kabuntot ang mga aka "fans" nila.
Naiwan ako dito sa gitna.
Nakanganga.
Gulat na gulat.
Nilapitan ako kagad ni Orella. Agad ko namang sinuntok yung braso niya. "Aray!"
"Alam mo ikaw pahamak ka talagang OA ka!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Sorry na KJ. Crush na crush ko kasi si Drew eh, gusto ko lang naman siyang ipakita sayo. Para narin alam mo dahil bespi tayo diba ayoko na nahuhuli ka sa mga nangyayari sa akin at malalaman mo pa sa iba. Hindi ko rin naman alam na mangyayari yun eh!" Hinug niya ako at nagpuppy eyes ulit. Binatukan ko muna siya.
"Aray naman eh! Ang brutal mo talaga bago magpatawad!" nagpout ulit siya at niyakap ako ng mahigpit at walang tigil sa pagsabi sakin ng sorry.
"Oo na." sabi ko.
"Talaga?"
"Ayaw mo? Di wag." sabay na nagwalkout ako sakanya.
"De eto na nga gusto na eh! Wamyu bespi!" sabi niya sakin habang sumusunod sakin ang buntot kong asungot.
Wala yung teacher sa last subject namin. Imbes na magsiuwian eh dumiretso sa libary. Alam ko naman na mga GC talaga ang mga kaklase namin. Dahil na rin may note samin na kapag wala ang Math teacher namin eh, sa library ang tungo namin. Kahit na nakakaantok at boring dun, eh no choice kundi pumunta.
Habang naglalakad kaming Class A, nakatuon ang mga mata ng kababaihan sa akin. Puro mga matang tila nanlilisik ang sumasalubong sakin. Dahil nga top 1 ako sanay na ako sa mga matang yan pero dahil din siguro sa nangyari kanina?
Aba, hindi ko na kasalanan yun. Masyado naman silang over protective sa mga ulupong na 'yun! Kala mo naman papatulan sila ng mga papabols nila!
Sa wakas at nakarating na rin kami ngayon sa library. Nagkalasan ang mga kaklase ko at sabay sabay naghanap na ng libro. Isa na si Orella sa mga nagiibang anyo pag nasa library, ayun nakikipagsiksikan para lang makakuha ng libro. Samantalang ako, petiks lang at umupo dito sa tabi. Hindi ako makikipagpatayan makakuha lang ng libro.
Lahat kami nasa isang hilera ng table. Makabasag ng pinggan ang katahimikan. Busy sila sa pagbabasa ng tungkol sa math. Sulat dito, basa dito, tanungan dito, kunot noo. Nakakatawa silang pagmasdan. Iba na talaga ang mga taong GC.
VOCÊ ESTÁ LENDO
It Started With a Quiz
Ficção AdolescenteHindi mo talaga maiiwasan na may hindi ka kaiinisang tao sa buhay mo. Hindi mo man alam ang dahilan pero sadyang ayaw mo lang talaga sa tao na yun. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, na yung taong kinaiinisan mo, makakasalamuha't makakasama mo pa...
Chapter 4
Começar do início
