Teka napahinto agad ako. Napaisip ako ng maigi sa sinabi ni Orella. Ngayon ko lang na-absorb ang mga sinabi niya.

Ano raw ang binanggit ko? Abs?


Whaaaaaaaaaat?!!!! Ba't ko sinabi yun habang tulog?

Wala na kong nasabi pa kundi. "Shit." sabay hinaltak na ako ni Orella palabas ng classroom. Naglakad lakad na kami papuntang Cafeteria.



As always akala mo pista ng Nazareno sa dami ng tao sa canteen. Kahit na malawak ang espasyo ng cafeteria namin walang wala sa laki ng espasyo kapag nagkasabay sabay na kaming mga estudyante sa pagkain. Minsan pa nga ginagawang tambayan ng mga nagka-cutting ito.



Kung hindi cafeteria ang gagawing tambayan, yung clinic naman. Magkukunwaring may sakit para makahiga lang ng 30 minutes sa infirmary. Mga rason na alam na alam mo na.

Nasa cafeteria na kami. Todo tingin naman ng makakain itong si bespi. Parang kala mo maglalaway na at isang taong di nakakain sa dami ng pagkaing gusto.

Napapatingin nalang ako kay Orella dahil bawat ulam yata hinihintuan. Well matakaw ang bestfriend ko, nasa kanya na yata lahat ng putahe na iniluto for this day.

"So hindi mo gagalawin yan?" tinuro niya yung pagkain ko. Tinutusok tusok ko lang kasi 'to ng tinidor. Nakaupo na rin kami sa wakas dahil unti unting nagsisibalikan na sa classroom ang mga estudyante.


Naisip ko lang kasi yung nangyari kanina sa room. Kung bakit naman nagsleeptalk ako at malala pa, puro abs pa ang sinabi ko talaga ha.

Hindi siguro sila magkamayaw ng tawanan ang mga kaklase ko habang tulog ako. Eh paano ba naman kawawa kasi yung mga nagtatangkang manligaw sakin tapos ganun sasabihin ko habang tulog? At kilala ako bilang monster sa katarayan pagdating sa mga boys. Tapos ganun lang? Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Tumitig ako kay Orella na parang clue less ang mukha. "Bakit? Kakainin ko kaya 'to." sabay subo sa pagkain ko. "Naghihirap na ba kayo bespi? Yung totoo lang ha?" unti unti kong kinain ang pagkain ko sabay inirapan niya lang ako.


Patuloy kami sa pangiinsulto sa isa't isa nang biglang naghiyawan nanaman ang mga kababaihan dito sa cafeteria. Napatigil at napatayo rin si Orella. Nawala na siya sa paningin ko at yun nakikitili na rin siya at naiwanan ang pagkain.


Samantalang ako, kain pa rin. Care ko ba diyan sa mga lalaking yan. Nakakasira lang yan ng araw. "KJ! Ayan na sila oh! Ayun si Drew yung crush ko! Waaah! My loves!!! Wooh!!" sigaw niya at patuloy na pinapalo ang braso ko.

"Oo naririnig kita. Hindi mo kailangang sumigaw sa tenga ko!" Hinahaltak haltak niya ako. Hindi ako nagpatinag sa paghahaltak niya sa braso ko dahil una sa lahat, wala akong pakialam sa mga yun. Pangalawa, ayoko lang tumayo, masasayang lang pagkain at oras ko sa mga yun. Pero heto pa rin siya haltak pa rin siya ng haltak.

"Tara na kasi!!!! ^_______^" Hinaltak niya akong patayo pwersahan. Sakto naman na pagkahaltak ni Orella bigla akong nabangga sa paparaan.

Napahinto yung apat na lalaki sa harap ko. Napahinto rin sa hiyawan yung mga babae at tila napunta sakin ang tingin nilang lahat. Nakita ko naman si Orella na medyo lumayo layo sakin.

Binigyan ko siya ng lagot-ka-sakin-mamaya-look. Sabay nagpeace sign nalang siya sakin. Nabaling ulit ang mata ko sa lalaking nakabunggo sa akin. Pagkatingin ko heto pala yung grupong A5. At isa sa mga kagrupo nila ang nabangga ko.

It Started With a QuizМесто, где живут истории. Откройте их для себя