"Mr. Peralta! Why are you late? You don't even greet me and say good morning. Is that what you've learned from this school?" nagulat ako na nakatayo sa tabi ko si Ms. Villa at magkasalubong ang kilay nito. Paktay heto na nga ba sinasabi ko. Kahit na parang diwata si Mam, may side talaga siya na hindi mo gugustuhin. Masungit.

"Mam, Good morning. Sorry I'm late." Hinawakan ko nalang ang kamay ni Mam sabay kiniss ko ang likod ng palad niya.

Nagtilian na naman ang mga kaklase ko. Medyo namula kasi si Mam at tila nagulat sa ginawa ko. Wala pa kasi siyang asawa. Kahit medyo 30's na ang edad niya. Masungit eh. Takot lang na may maligaw na manligaw sakanya.

"Si Mam oh kinikilig!"

"Ako rin beh! Kiss me!"

"Waah mam! You're so lucky."

Patuloy na ingay naman ang napupuno sa Room 308 dahil sa sigaw at kantiyaw ng mga kaklase ko.



"All of you! Be quiet!" saway ni Mam sa lahat sabay sulat ulit ng tinuturo niya sa amin. Lahat naman automatic na natahimik. Natatawa tawa akong tignan si Ms.Villa dahil sa maputi siya kita sa kanya na namumula talaga siya. Pag subject talaga niya ay ganado ang lahat pumasok at makinig lalo na ang mga lalaki. Paano ba naman kasi lahat sila nakatingin sa matatambok na pwet nito. Kilalang kilala ko na ang mga hinayupak na 'to! Kaya madaming pumapasok ng maaga, isa na ako dun. Ang ganda ganda niya kasi. Sexy na maganda pa. Perfection ika nga.

Nakatutok ang mga mata ko kay Mam habang ineexplain ang gagawing project this coming finals nang biglang may tumatakbong babae sa hallway. Napukaw ang atensyon ko dito, ang ingay ba naman kasi ng takong ng sapatos nito.


Nagulat ako nang bigla siyang pumasok dito.

"Who are you looking for?" tanong ni Ms. Villa sa kanya. Lahat naman kami napatingin sakanya.

Napakunot ang noo nito. Tila may hinahanap sa klase namin. Tumingala siya. "Ay sorry po. My mistake Madam." tsaka tumakbo na ulit siya.

Siya yung babae kahapon. Si Krissanta. Ang ganda niya pala lalo na pag nakalugay.

Pero ba't ganun nalang ako humanga sa kanya? Dahil siguro matalino siya? Oo top 1 ba naman. Maganda rin? Oo daming may gusto kaso takot magtangka manligaw kasi monster eh. Sexy? Hindi balik nalang tayo sa maganda. Pero napagmamasdan ko rin siya minsan. Sexy rin naman siya.

Pero hindi lang yun kung bakit gusto ko siya. Kakaiba kasi siya sa lahat. Simula nung araw na yun ay nagkagusto na ako sakanya kahit na wala pa kami sa tamang edad noon. Pero alam ko naman na malabo akong magustuhan nun. Ngayon pa ba na nabuwisit ko na siya? Pero ang ganda niya kasi, para bang tinutulak ako na ituloy ko na talaga ang balak ko noon pa.

Kahapon lang kung sigawan ako nun, mabibingi ka talaga. Parang kusang aalis yung tutuli mo sa lakas ng boses. Buti na nga lang hindi ako napunta sa guidance dahil wala yatang nakarinig.


Alam ko naman na tingin nun sakin napakababaero. Well, inaamin ko naman yun. Hindi ko talaga maikakaila sa apat na sulok ng paaralang ito. Pero kahit naman may girlfriend pa ako, humahanga pa rin ako sakanya. Ngayong single na ako, pagkakataon ko na ito. Pero 'di talaga matanggap ng pride ko na tatanggihan niya lang ako.

Kaya gusto ko 'tong babae na 'to eh. Kakaiba talaga siya sa lahat. Ibang iba.


Tinapik ako ni Drake. "Uy pre tulala ka kanina pa."


"Hmm oo nga eh. Yung babae kasi na yun pre!" sabi ko sakanya.


"Oh bakit si Krissanta nanaman ba? Natotorpe ka pre? Grabe Jethro Alexander Anderson natotorpe?" pang-aasar niya. Napakamot nalang ako sa ulo.


"Dude try asking her for a date. Hindi naman yun nangangagat, mukha lang." sinuntok ko ang braso niya.

Nagtaas siya ng kamay at nagkibit balikat. "Gamitin mo ang charisma mo sakanya. Ang hina mo naman dude! Maunahan pa kita dun." aakma na akong susuntukin siya.

"Hep! Hep! Joke lang pre. 'to naman! Gusto mo pakuha ko number nun?"

Tumango nalang ako. Maasahan ko talaga 'tong lalaki na 'to. Siya lang ang nakakaalam kung bakit ko gusto si Krissanta.

Napaisip ako bigla.


Jethro Alexander? Torpe? Sisiw nga sakin magpaibig ng mga babae eh.


Mahina? Ako ba yun? Ang dami dami ko na ngang naligawan at naging girlfriend eh.


Pero ba't pagdating sakanya kala mo unang beses ko palang manliligaw?




Crap. Hindi ako torpe, hindi ko lang talaga minamadali ang lahat ng bagay. Hindi rin ako mahina.




Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Lahat ng babae dito, nakukuha ko. Hahanap ako ng paraan mapaibig ko lang siya.










I'm going to make you mine, Krissanta...............

--------------------------------

Author'sNote:

Waaaaah! Ang chickboy ng Academy, manliligaw ulit!!!!

Teka seryoso ba siya o isa lang sa mga collection niya si Krissanta? Teka, Papayag ba ang Monster na magpaligaw?

Tignan natin ang mangyayari!!!!

Comments and Votes po! :) Please!!!!!!

Share nyo kung ano ang naiisip nyong pwedeng mangyari! :) Kung sino ang may pinakamalapit na sagot, idededicate ko sakanya ang next Chapter. :)

Follow nyo ko. Add this to your library. Sabihin nyo rin sa mga katoto nyo!:) Thankyouuuuu so mats. Lablab ❤

twitter: @elishaaang

~queendaldalita

It Started With a QuizWhere stories live. Discover now