Napanguso ito.

"Can I just stay here, just for tonight ? Sige na, best. H-hindi ko pa kasi alam yung sasabihin ko sa kanya ... Tsaka naiintindihan mo naman ako, di ba ? ... Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, mararamdaman mo din to."

"Oo, best. I truly understand you. May karapatan kang magselos. Asawa ka niya. Pero walang mangyayari kung magtataguan lang kayong dalawa. You have to talk, guys."

Hindi kumibo si Celine. Nanatili lang itong tahimik.

"Okay, I guess I need to call him, to inform him that you're here. Maawa ka sa asawa mo. Baka mabaliw na yun kakahanap sa yo."

"P-Paano kapag ... Pumunta siya dito ? ... Ayoko muna siyang, makita. Kahit ngayong gabi lang."

Napakunot-noo siya.

"Seriously, ayaw mo talaga siyang makita ? ... O sige, sige ! Ako ng bahala. Napaka-problemado mong buntis ka. Hmp."

At idinial niya ang number ni Jared.

"Hello ?!" at agad nitong nasagot ang tawag niya. Siguro ay kanina pa ito naghihintay ng tawag o balita tungkol sa asawa niya.

"Jared ..."

"Pat ! Si Celine, umalis kasi eh. Hindi ko alam kung nasaan siya. Baka naman alam mo, pakisabi naman sakin, o." at parang nagmamakaawa na ang boses nito. Hindi niya maiwasang maawa kay Jared. Mukhang paiyak na ito dahil sa pumipiyok na boses nito.

"Kaya kita tinawagan, kasi nandito si Celine ... Kaya, wag ka ng mag-alala."

"Talaga ?! O sige, papunta na ako dyan !"

"Wait ! ... Pasensya ka na sa bestfriend ko, ha. Medyo matigas ang ulo. Ayaw niya muna kasing makausap ka, Jared. Kaya, bukas mo na lang siya sunduin. Nakiusap kasi sakin, eh. Intindihin mo na lang muna si Celine. Pangit din naman talaga yung nakita niya. Pahupain mo na lang muna ang galit niya, Jared. I know, nahihirapan ka din sa kanya."

At natingnan niya si Celine. Malungkot ang hitsura nito.

"Pat, I missed her. Gusto ko siyang makausap. Hindi ako makakatulog kapag wala siya dito. Isa pa, di ba masama ang pakiramdam niya ? Hindi ko nga alam kung ano'ng lagay niya ngayon, eh. That's why I need to be with her. Para maalagaan ko siya."

Hindi niya akalaing ganito kahirap ang maging mediator. Animo'y isa siyang negotiator sa isang gyera. Sasabihin na ba niya kay Jared na magiging daddy na siya ? Wew.

"She's okay. Pinagpahinga ko na rin naman siya. And don't worry, aalagaan ko naman siya. Sorry talaga, Jared. Ngayong gabi lang talaga. Don't worry, bukas na bukas, tatawagan kita para sunduin siya dito."

Sandaling katahimikan.

"Can I talk to her ? Please ?"

Napabuntong-hininga siya.

"Okay ..." at naharap niya si Celine, handing her the phone.

"Just for now, talk to him. Kawawa naman yung asawa mo."

And thank God she accepted it.

"H-hello."

"I'm okay."

"I just want to stay here at Pat's. Please, just for tonight."

At muling nanahimik si Celine.

Maya-maya ay naibalik na nito ang cellphone sa kanya.

"Hello, Jared."

"Pat, kindly take care of her tonight. Susunduin ko na lang siya bukas. Sorry sa abala, ha. Ayaw niyang makinig sakin, eh." malungkot ang boses ni Jared.

You Are Mine (Published Under LIB)On viuen les histories. Descobreix ara