***

JARED'S POV

Saan ko ba pwedeng hanapin si Celine ? Kila mommy kaya ? ... Baka nandun siya.

Napabuntong-hininga ako.

Nag-aaway kami dahil ayaw niya akong pakinggan. Dahil ayaw niya akong paniwalaan. Dahil wala siyang tiwala sakin.

I was on my way sa mansyon ng mga Monteverde. At kung wala man siya doon, isusunod ko ang sa mga De Asis. Tinatawagan ko kasi si Celine, naka-off ang phone niya. Sobra na akong nag-aalala dahil gabi na, baka kung mapaano na naman yun. Lapitin pa naman yun sa mga di magandang pangyayari. Isa pa, hindi ko pa nga alam ang lagay niya, dahil masama ang pakiramdam nun.

Hindi ko maiwasang masaktan kapag naiisip ko ang mga sinabi niya.

Lumalabas lang na, kahit hindi ko kasalanan, na kahit kagagawan pa ng walang kwentang babaeng yun ang lahat, ako pa rin ang masama. Akala ko ba mahal niya ako ? Pero bakit ayaw niyang maniwala sakin ? Bakit ibang tao ang pinapakinggan niya bukod sakin ? Paano na lang pala kung maulit yung mga ganito ? Paulit-ulit lang din kami ? Damn ! Kapag nagkita talaga kami ulit ng Claire na yun, magsisisi siya sa ginawa niya.

Siguradong gagantihan ko siya. May gana pa siyang bumalik samantalang siya nga ang nang-iwan ? At kung kelan masaya na ako sa iba, guguluhin niya ang buhay ko ? Just go to hell, Claire !

At wala sa loob na napukpok ko ang steering wheel.

God, please take care of Celine while I'm looking for her.

Bakit kasi kailangan niya pang umalis ? Pwede naman kaming mag-usap ?!

Abot-abot na ang pag-aalala ni Patrice kay Celine dahil sa ginawa nitong pag-alis kahit gabi na. Hindi rin niya maiwasang mainis ng kaunti sa kaibigan. Napaka-reckless kasi talag nito. Alam naman nitong buntis na siya pero, heto, nagpapadala sa emosyon at gumagawa na naman ng pwedeng ikahamak niya.

Hindi na siya mapakali. Tinatawagan niya ito, pero naka-off ang phone.

Bakit kasi ayaw nilang mag-usap ? Kailangan ba talagang mag-walk out agad ?

"Ma'am Pat, sila Ms. Celine po, nasa labas." tawag ng isa nilang kasambahay.

Tumayo agad siya sa couch. At pinuntahan nga ang mga dumating. Sila ? Sino'ng kasama ni Celine ? Could it be, Jared ? Pero kung bati na sila, bakit pa sila pupunta dito ?

At pagkapunta niya sa gate, nagulat siya sa nakita niya.

Si James ang kasama ni Celine ? Magkasama silang dalawa ? Pero bakit ?

Nahalata siguro ni James ang pagkagulat niya. Napangiti ito ng alanganin sa kanya.

Niyakap niya naman agad ang bestfriend niya. Namumutla na si Celine at natatakot siya para ditto.

"Best ..." sabi nito.

At paiyak na naman ito.

Nahagod niya ang likod nito.

Walang pinagbago kahit may asawa na, iyakin pa din si Celine.

"Shhhh ... O wag ka ng umiyak. Pag-usapan natin yan sa loob. Pumasok ka na muna sa loob, malalamigan ka dito sa labas. I'll just talk to James, okay ?"

Nagkatinginan sila ni James. Humiwalay na si Celine, at marahang tumango saka humarap kay James para magpasalamat at magpaalam.

Nakita niya ang pag-iling ng binata. Alam ni Patrice na ayaw na ayaw na nakikita ni James na nagkakaganito si Celine.

***

"I understand how you feel, best. Honestly, nung unang makita natin sila in that situation, nagalit ako kay Jared. Nainis ako, na bakit niya pinayagan yung ex niya na halikan siya. Na dapat inisip niya ang mararamdaman mo. Pero iniisip ko rin Celine, paano kung totoo talagang hindi naman siya ang humalik kay Claire ? That everything is her fault ? ... Tandaan mo, gagawin niya ang lahat para lang maagawa sa yo si Jared. Kaya malamang, pakana lang yun ng bruhang babae na yun ! Kaya best, please ... You need to talk to him. You need to trust Jared. Kawawa naman kasi yung tao o. Alalang-alala sa yo kanina, hindi niya alam kung ano'ng nangyayari sa yo. Ramdam ko namang, mahal na mahal ka ng asawa mo. Hindi yun gagawa ng bagay na, ikakasama ng loob mo. And I know, he hates Claire. Kaya, wag mo ng isipin yun, ha. Hindi naman sa kinakampihan ko yung asawa mo, pero malakas ang kutob ko na, pakana lang yun lahat ni Claire. Tsaka uuwi ka ngayon, ha. Napaka-walk out queen mo talaga. Lalo na kapag nagseselos ka. Hmp."

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now