Damn ! Kung hindi dahil sa babaeng yun, hindi mangyayari to !

Hinding-hindi kita mapapatawad Claire.

Hinding-hindi kapag hindi kami nagka-ayos ni Celine.

Masama pa naman ang pakiramdam niya. Hindi ko man lang nalaman kung ano'ng nangyari at nag-collapsed siya kaninang break nila.

Napatiim-bagang ako habang hindi naiwasang alalahanin ang nangyari kanina.

[FLASHBACK]

I was in the middle of the examination ng mag-vibrate ang cellphone ko.

Si Patrice, tumatawag ?

Pero bakit ?

Nag-excuse ako sa prof ko sandali at lumabas ng classroom para sagutin ang tawag ni Patrice.

May pakiramdam kasi akong importante yun. Usually, nagte-text lang naman ito kapag may sasabihin sakin.

"Hello, Jared ?"

"O bakit ?"

"Nage-exam ka pa rin ba ? Punta ka ng clinic ! Nahimatay si Celine !"

"Ha ?! Pero bakit ?!"

"Ewan ko ! Basta pumunta ka dito, ha."

"O sige, sige !"

at agad kong naputol ang tawag.

Shit ! Ano'ng nangyari bakit nahimatay ang asawa ko ?!

Agad akong pumasok sa room at nagpaalam sa prof namin na kailangan kong pumunta ng clinic just to check my wife because of what happened.

But unfortunately, he won't allow me to go out until I finish my exam.

So, wala akong nagawa.

Binilisan ko na lang magsagot ng exam namin, at ng matapos, agad akong lumabas ng room at bumaba ng building para pumunta sa clinic.

God. Sana naman, okay lang si Celine.

Bigla akong kinabahan nung marinig kong nasa clinic siya.

Ano na naman bang nangyari ?

Naging careless na naman ba siya masyado kaya nasa clinic siya ?

Busy ako sa possible reason kung bakit nagkaganon ng magulat ako kung sino ang tumambad sa harapan ko.

Nasa tapat na ako ng clinic that time.

"Claire ? What are you doing here ?" taka kong tanong.

"Hi, Jared !" nakangiting tugon niya.

And I was in poker face.

"Wala akong panahon sa yo. Excuse me." at akma ko na siyang lalagpasan ng harangin niya ako. Hinawakan niya ako sa braso, and I was so shocked when she kissed me, right in my lips.

Damn !

Agad akong kumawala pero, huli na pala.

Si Celine, nakita ang nangyari.

At alam ko na ang magiging conclusion niya sa nangyari.

"B-Baby ? ..." kahit ako, nagulat sa nangyari.

The hell with Claire !

Gusto niya ba talaga kaming maghiwalay ?!

No way !

You Are Mine (Published Under LIB)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt