Natitigan muna ako ng matagal ni Patrice bago tinanguan. Naninigurado sa sinabi ko.

Paglabas namin ng classroom, nagulat ako ng makita si Shaun na naghihintay.

Nagkatinginan kami ni Pat.

Lumapit agad siya samin.

"Baby ... Let's go." sabi niya.

At talagang tinawag pa niya akong baby. Tss.

"Hindi ako sasabay sa yo. Magco-commute ako, uuwi akong mag-isa ..."

Nasa bahay kasi ang kotse ko, at kotse ni Shaun ang lagi naming ginagamit.

"No, Celine. We need to talk. You need to hear my side."

" ... I don't have any plan of listening to you. I just saw what I need to see, Shaun. Pat, I need to go, ha. Keepsafe." paalam ko kay Patrice at tinalikuran ko na silang dalawa.

Naglakad ako ng mabilis para makalayo. Pero nahabol rin pala ako ni Shaun. Hinawakan niya ako sa braso.

"Celine naman ! Hindi ko ginusto yun ! Pag-usapan naman natin to, o. Please ?"

Pero hindi ko siya pinansin. Muli kong binawi ang braso ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"Celine ! Wag namang matigas ang ulo mo ! Please, let's go home !" pero parang wala na akong naririnig. I don't mind him anymore. Gusto ko na lang talagang umuwi, magkulong, matulog, at gusto kong makalimutan kung ano man yung nakita ko ngayon. At sa paggising ko, gusto kong ang baby ko na lang ang aasikasuhin ko.

Humahabol pa rin si Shaun hanggang sa pumara ako ng taxi. Wala siyang nagawa, of course. Pero nakakainis dahil sinundan niya ang taxi na sinasakyan ko. But I don't care. Bahala siya sa buhay niya.

***

Sobrang galit ang nararamdaman niya sa walang hiyang si Claire pagkatapos nilang Makita ni Celine ang eksena kanina malapit sa clinic.

At alam ni Patrice na sinasadya ng babaeng yun na maaktuhan talaga sila ng kaibigan niya.

Pero hindi rin niya maiwasang hindi mainis kay Jared dahil parang hindi man lang ito pumalag sa ginawa ng ex niya. Dahil kung tutuusin, pwede naman niyang iwasan yun !

Hindi niya maiwasang hindi maawa sa bestfriend niya. Excited pa naman sana itong ibalita kay Jared na magiging daddy na ito dahil buntis na si Celine. Tapos ganito pa ang makikita ng kaibigan niya.

Kaya ba ito natagalan sa pagpunta sa clinic kanina dahil sa eksena nilang dalawa ni Claire ?

At kung siya lang ang tatanungin, ayaw niyang mag-isip si Celine dahil alam ni Patrice na hindi yun makakabuti sa baby nila. Hindi pwedeng nai-stress ang isang buntis.

Gusting-gusto tuloy niyang sabunutan ang bruhang babaeng yun ! Nakaganti na kasi sana siya kung hindi lang siya pinigilan ni Celine kanina. Pero sa ors na bumalik ulit ito sa school nila, hinding-hindi na siya papaya na hindi niya maigaganti ang best friend niya sa mga kawalanghiyaan ni Claire !

Hindi niya talaga maiwasang mag-alala para kay Celine. Wala pang alam si Jared na buntis na ang asawa niya. Naisip na niyang siya na lang ang magsabi ditto ng tungkol sa lagay ni Celine pero hindi niya rin alam kung tama bang manghimasok siya sa dalawa dahil kahit papaano, si Celine pa rin dapat ang magsabi sa asawa niya na magkaka-baby na sila.

Pero alam rin niyang hindi nito iyon masasabi dahil nga sa nangyari. Kilala niya ang kaibigan. Kapag masama ang loob nito, pipiliin na lang nitong manahimik at huwag ng magsalita.

***

JARED'S POV

Napukpok ko ang manibela habang nagda-drive at sinusundan ang taxi kung saan sakay ang asawa ko.

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now