“Si James ba ang tinutukoy niya?” sabi nito sa kanyang isip.

“Bakit mo sinasabi sa akin ito ngayon? Ann, kung si James ang tinutukoy mo? Sumuko na ako sa kanya. Hindi ko na kaya ang sakit. Alam ko siya ang matagal kong hinintay na bumalik ngunit pakiramdam ko naghihintay na lang ako sa wala dahil kailan man hindi na siya makakabalik.” Malungkot na sambit ni Fretzie.

“Fretzie, anong pinagsasabi mong sumuko ka na? Kung saan alam mo na ang totoo doon ka susuko? Anong klaseng drama to?” naiiritang sabi ni Ann.

“Ann, hindi mo kasi naiintindihan at hindi mo rin alam ang pakiramdam na masaktan. Sobrang sakit na at pagod na pagod na rin akong maghintay at umasa nasa kahit minsan ay mapansin din niya nandito ako pero wala eh.” Nanlulumong sabi ni Fretzie.

Hindi alam ni Fretzie na pareho lang sila ng pinagdadaanan nito. Alam niyang nahihirapan na si Fretzie sa sitwasyon niya.

“Fretzie, kung akala mo ikaw lang iyong nahihirapan ako din naman eh. Buti ng sayo ngayon mo lang iyan na experience na parang ipinagkait sayo ang pagkakataon. Ako? Simula noong nagpanggap si Jj pakiramdam ko unting-unti siyang nawawala sa akin at masakit iyon dahil mahalaga siya sa akin at mahal ko siya.” Hindi naiwasan ni Ann ibuhos ang sama ng loob nito sa pagkakataong iyon.

“Kaya alam ko ang bawat sakit nararamdaman mo ngayon. Hindi kita masisi kung balang araw ay basta ka na lang susuko sa sobrang bigat ng dinadala mo.” dagdag na wika ni Ann.

“Patawad. Hindi ko alam na pinagdadaanan mo din pala ito. Ann, hindi mo ba naisip na sumuko at kalimutan ang lahat?” tanong niya dito.

Tumingin si Ann sa kanya at hinawakan ang balikat nito. Ngumiti ito sa kanya.

“Oo naisip ko na sumuko na lang pero hindi ko kaya nangako kami sa isa’t-isa at nangako din siya akin na babalik siya kahit iyon lang pinanghahawakan ko. Matiyaga akong naghintay dahil naniniwala akong babalik si Jj.” Hindi napigilan ni Ann na tumulo ang kanyang luha.

“Ann, ayaw ko man sumuko pero anong mapapala ko. Ikaw ang mahal ni James at hindi ako kahit kailan hindi ko mapantayan ang pagmamahal niya sayo.”

“Fretzie, nakalimutan mo na ba ang pangako niyo sa isa’t-isa? Hindi man tayo magkasama pag naramdaman mo ang bawat tibok ng iyong puso laging mong tatandaan na kahit kailan ay hindi ako mawawala sayo at lagi kang nandito sa puso ko.” Umiyak si Fretzie nang sinabi iyon ni Ann palagi nilang sinasabi sa isa’t-isa ni Rj.

“Ann, papaano mo nalaman tungkol sa pangako namin sa isa’t-isa?” naguguluhang tanong ni Fretzie.

“Noong mga panahon na trauma si James lagi niyang sinasabi ito. Hindi ko maiwasan na ma curious kaya tinanong ko si Jj. Sabi niya iyon ang promise niyo ni James sa isa’t-isa. Ibig sabihin nun kahit kailan hindi ka nawala sa kanya nanatili ka pa rin sa puso niya.” paliwanag ni Ann sa kanya.

Nag-aalangan si Fretzie kung dapat niyang pang hahawakan ang katiting na pag-asang iyon. Gustuhin man niya natatakot pa rin siya sa maaaring kahihinatnan ng lahat. Ayaw niyang masaktan ulit. Hindi niya namamalayan na umiiyak na naman siya kaya niyakap siya ni Ann.

“Alam mo bang paborito naming lugar to ni Jj.” Kwento ni Ann at kumalas siya sa pagyakap kay Fretzie.

“Kita mo iyong fountain sa dulo.” Sabay turo ni Ann. “doon kaming lagi naghahabulan ni Jj parang munting paraiso namin ito ni Jj tulad din ng park na palagi niyong pinupuntahan ni James.”

“Hindi ka ba naghihinayang? Sa dami ng pinagsamahan niyo ni James kakalimutan mo na lang ba na parang hindi nangyari ang lahat?”

Tama  si Ann makakaya ba niyang balewalain ang lahat ng iyon. Makakaya ba niyang kalimutan ang magagandang alaala nila? Habang iniisip niya iyon nagdadalawang isip na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon