Chapter 37

342 2 0
                                    

Chapter 37

Nahuli ng pasok si Fretzie sa paaralan dahil hindi ito nakatulog kagabi ng maayos.  Kaya dali-dali siyang papunta ng kanilang silid. Hindi niya napansin na sabay silang pumasok ni James. Ang lahat ng mata ay nasa kanilang dalawa at iba-iba ang reaksyon sa mukha ng kanilang kaklase.

“Fretzie at James, ano tinutunganga niyo diyang dalawa. Pumasok na kayong dalawa sa loob late na nga kayo sa klase ko tapos pabagal-bagal kayo diyan.” Wika ng guro nilang si Mrs. Zarragoza. Nauna siyang pumasok at umupo tapos sumunod si James. Habang nagkaklase ang guro ni Fretzie ay hindi ito nakikinig sa klase medyo malalim ang iniisip nito at si James naman ay lihim siyang pinagmamasdan.

“I’m sorry, Fretzie. Hindi kita dapat binuntunan ng galit ko. Wala ka naman kasalanan.” Wika nito sa sarili.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ang mga kaklase nila. Naglakas ng loob si James na lapitan si Fretzie bahala na kung hindi siya pansinin kahit papaano ay sinubukan niyang kausapin ito.

“Fretzie, pwede ba tayong mag-usap?” sabi ni James kay Fretzie. Nilingon siya ni Fretzie tinitigan lang ito ng sandali at aakmang aalis ngunit na pinigilan niya ito.

“Pakiusap kahit sandali lang, Fretzie.” Pakiusap ni James kay Fretzie. Nang oras na yun gusto niyang pagbigyan ang pakiusap sa kanya ni James ngunit nanaig pa rin ang sama ng loob nito. Kailangan din niyang magmatigas para kahit papaano malaman ni James ang pagkakamali nito.

“Pwede ba James umalis ka sa harapan ko? Ano pa ba gusto mo? Isa pa wala tayong dapat pag-usapan.” Malamig na sambit nito kay James.

“Fretzie, I’m sorry kung naging insensitive ako sa nararamdaman mo. Naiintindihan ko naman kung sasama ang loob mo sa akin. Kaya ko lang nagagawa to dahil hindi ko lang matanggap na hanggang ngayon na kailanman hindi magkakagusto si Ann sa akin. Kaya sinubukan kung mag-rebelde.”

“Sa tingin mo ba sa inaakto mo ay magkakagusto si Ann? Hindi naman ako magtataka kung hindi magkakagusto si Ann sayo eh. Alam mo kung bakit? Dahil sobrang immature mo palagi na lang sarili mo ang iniisip mo. Grow up, James! Hindi porke mahal na mahal mo ang isang tao ay dapat suklian din niya yun. Kung talagang mahal mo si Ann makakaya mo siyang mapalaya kahit masakit sa loob mo. Pakiusap huwag mo na kong kausapin” Seryosong wika ni Fretzie at iniwan niya si James sa loob ng kanilang silid.

“Fretzie, sandali.”sambit nito ngunit hindi siya pinansin nito. Habang papalayo si Fretzie sa silid ay hindi niya namalayan na lumuluha siya. Gusto niya man itong patawarin ngunit ang isip niya pinipigilan siyang na gawin yun. Sa sobrang paglalakad nito ay hindi niya napansin na may nabangga siyang tao. Pag tingin nito ay si James ang nakita niya.

“Hindi ba sinabi ko sayo wala na tayong dapat pag-usapan!” bulyaw ni Fretzie. Hindi niya agad napansin na si Rj ang kaharap nito nagulat siya sa reaksyon niya.

“Zie, si Rj to. May problema ba kayo ni James?” tanong nito sa kanya. Hindi niya maiwasan ang humikbi sa harap nito agad siyang niyakap ni Rj.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon