Chapter 60

541 10 4
                                    

Irish's Notes: Yes! Isang update na lang at matatapos na ang kwento ni Zie at Rj... Salamat sa mga readers na matiyagang naghihintay sa aking update kahit na kung minsan ay medyo matagal.

Sana huwag kayong magsawang sa pagsubaybay sa kwentong ito... Salamat sa JamZie at Cuddlers na naging inspirasyon ko sa pagsulat ng kwento to dahil hindi ko to magagawa kung wala kayo. ;)

Maraming Salamat!!! <3 Enjoy reading!

PS: Idedicate ko ang chapter na to kay vaness143 kasi binabasa ko ang article niyang EXCELLENCE. Maganda ang article nadidiscover ang mga may talent talaga in writing... ^__^ iyong tipong pwede na i publish ang mga gawa nila... Thanks!!!

Chapter 61

Nakahinga ng maluwag si Tricia nang makaalis siya ng wedding booth at kasa-kasama pa rin niya si Ivan na tila wala siyang pakialam sa nangyari kanina. Hindi mawala sa  kay Tricia ang sobrang pagkainis. Tahimik lang sila naglalakad at wala sa kanila ang nag-salita. Hindi makatiis si Tricia kaya binasag niya ang katahimikan sa paligid nila.

“Bakit hindi man lang nag-umangal sa wedding booth in-charge kanina? Alam mo namang marami pa akong gagawin sa photo exhibit ko. Ilang oras na lang natitira sa akin ngayon.” Pagalit na sabi ni Tricia sa kay Ivan.

Hindi nag-abalang sumagot si Ivan at patuloy pa rin silang naglalakad. Ayaw patulan ni Ivan ang pagmamaktol ni Tricia. Iniiwisan na mag-away ulit sila kahit ang totoo ay gustong-gusto niyang patulan na ito.

Mas lalo nainis si Tricia kay Ivan dahil sa hindi nito pamamansin sa kanya. Wala ba talaga siyang pakialam? Nawawalan na siya ng pasensiya dito. Ang hirap kasing basahin kung ano ang iniisip ni Ivan.

“Nakakaasar ka alam mo yun! Makikipagkita pa tayo sana kay James. Ano na lang iisipin ni James dahil hindi tayo sumipot?”

“Tricia, stop it! Will you?” nag-titimpi si Ivan dahil naiinis na rin siya. Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit.

“Don’t be so over reacting! It’s just a fake wedding. Bakit ba naman kasi pinapalaki mo ang isyu? Kung iniisip iyong kay James ako na bahala magpaliwanag dahil sa pag-iinarte mo nagmukha tayong katatawanan sa mata ng iba. I’ve never been humiliated all my life, thanks to you!” Singhal ni Ivan kay Tricia.

Natigilan si Tricia sa pag-singhal ni Ivan sa kanya kahit kailan kasi hindi pa siya nakaranas na  sigaw-sigawan. Inaamin niya nasaktan siya.

“OA na kung OA.  I’m sorry kung naging katatawanan ka sa mata ng ibang tao. Hindi ko naman ginusto na ipahiya sa harap ng ibang tao. Patawad ng dahil sa akin ay naranasan mo ang mapahiya. Wala ka kasing alam. Sarili mo lang iniisip mo.” Nagagalit na tugon ni Tricia.

Hindi namalayan ni Tricia na umiiyak na pala siya. Bakit ba kasi sa harap pa ni Ivan siya umiiyak?  Naiinis siya sa kanyang sarili wala pa may nakakita sa kanya na umiiyak kahit si Fretzie na malapit niyang kaibigan ni minsan ay hindi pa siya nakita nitong umiyak.

Nagulat si Tricia sa sunod na ginawa ni Ivan. Niyakap siya ng mahigpit ni Ivan pagkatapos ay pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadya ang sigawan ka.” Sinserong sambit ni Ivan. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Ivan. Nakatingin siya dito at nakaramdam pang-iinit ng magkabilang pisngi niya kaya napayuko siya. Nahihiya siya na mapansin ni Ivan ang pamumula ng pisngi niya

Nakokonsensiya si Ivan nang makita niyang umiyak si Tricia. Hindi niya alam ang gagawin kaya niyakap niya.

“Tricia, meron ka bang bad memory sa wedding booth?” tanong ni Ivan sa kay Tricia. Nabigla si Ivan sa reaksyon ni Tricia. Kitang kita ang lungkot sa mga mata nito.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon