Chapter 27

364 4 0
                                    

Chapter 27

“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit umaakto ako ng ganito?” tanong ni Fretzie sa sarili. Habang lumayo muna ito kay Rj ng sandali.Nagkakaganito lang siya pag si James ang kasama niya.

 Nasa gitna siya ng park na papalibutan ng magagandang bulaklak sa paligid. Napansin niya malaki talaga ang pinagbago ng park mas pinaganda ito malayo na malayo na to sa dating itsura.

“Ang laki pinagbago ng lugar na to tulad din ng nararamdaman ko para sa isang tao.” Malungkot na wika ni Fretzie. Habang nakatingin siya mula sa malayo.

Nabigla siya ng may kumalabit sa kanya sa balikat. Nang likuran niya ito si Rj pala. May hawak na tatlong white roses. Inabot ni Rj ang tatlong rosas sa kanya. Napangiti siya agad naman niyang kinuha ang bulaklak at inamoy ito.

“Rj, inaanyayahan ka pala ni Mama na maghapunan sa bahay kung ayos lang sayo.”wika nito.

“Sige ok lang man. Wala naman ako pupuntahan pagkatapos.” Tugon ni Rj sa kanya.

“Nalaman ko pala kay James na may duet kayong dalawa sa school ball. Gusto ko sanang manood kang mag-perform.” Ito na lang ang pagkakataon ni James upang makumbinsi si Fretzie. Sana umobra ang plano niya.

“Actually, hindi pa naman ako umu Oo sa kanya at isa pa Rj alam mo namang may stage fright ako.” Tugon sa kanya ni Fretzie.

“Huwag kang mag-alala Zie. Kaya mo yan nakaya mo ngang harapin ang mga pagsubok na dumating sayo. Ito pa kaya? Ang pagkanta sa stage sisiw na sisiw yan sayo.” Pagbibigay lakas ng loob kay Fretzie ni Rj. Ngumiti lang si Fretzie sa kanya.

“Papayag na ko na makaduet ang kambal mo sa isang kondisyon.” Nakangising wika ni Fretzie

“Ano ba yun?” tanong nito sa kanya na medyo na halata na may binabalak siya.

“Maghabulan tayo.Kapag mahuli mo ko papayag akong maka duet si James. Na mimiss ko na kasi ginagawa natin noong mga bata pa tayo.” Naalala ni James nang minsan kinuwento ni Kuya Rj niya na palagi silang naghahabulan ni Fretzie noong mga bata pa sila at hindi pa niya ito minsan na nahuli kung maghahabulan sila.

“Sige ba. Alam ko namang matatalo nakita ngayon.” Matatag na sabi ni Rj na determinadong manalo.

“Tignan natin.” Tugon sa kanya si Fretzie at nagsimula na itong tumakbo.

“Yuhoo! Rj, habulin mo ko.” Pasigaw na sabi ni Fretzie habang malayo na ang natakbo nito habang si James ay medyo hinihingal na sa kakatakbo.

“Hindi ko naman akalain na parang kabayo tumakbo si Fretzie. Kailangan kong manalo para maka duet ko siya.” Nahihingal na sabi ni James sa sarili.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon