Chapter 33

367 2 0
                                    

Chapter 33

Pumunta si James ng ospital para bisitahin si Kuya Rj niya. Papasok pa lang siya nang makasalubong niya si Ann.

“James, pwede ba tayong mag-usap?” seryosong sabi ni Ann sa kanya. tumango lang siya at sinundan si Ann palabas ng ospital.

“Ano ba ang sasabihin mo sa akin?” tanong ni James kay Ann.

“Bakit ka nagpanggap na si Rj kay Fretzie? Hindi niya ba alam ang totoong kalagayan ng kambal mo?” nabigla si James sa pinagtatanong ni Ann  sa kanya. Hindi niya inaasahan na kakausapin lang siya dahil dun. Medyo nadismaya siya pero hindi siya nagpahalata.

“Ann, hindi ko naman alam na si Fretzie ang imi-meet ko sa park. Oo, walang ideya si Fretzie sa totoong kalagayan ni Kuya Rj ko ngayon. Ayaw niya kasing bigyan ng alalahanin si Fretzie kaya hindi niya sinabi.” Malumanay na paliwanag nito kay Ann.

“James, dapat sinabi mo kay Fretzie ang totoo. Kung ano talaga sitwasyon ni Rj. Sa tingin mo ba pag nalaman niya ang totoo ay hindi siya masasaktan?”

“Alam ko naman yun,Ann. Sa tingin mo ba hindi labag sa loob ko ang ginagawa ko? Na magpanggap na ibang tao para sa taong mahalaga sa akin? Hindi mo naman alam yun eh dahil wala ka naman sa posisyon ko ngayon.” Nahihimigang lungkot sa tinig ni James habang si Ann ay nakatingin lang sa kanya.

“Alam ko kaya mo ginagawa to dahil kay Rj ngunit darating pa rin ang araw na malalaman ni Fretzie ang lahat papaano mo siya haharapin pag nangyari yun,Ha?” tanong sa kanya ni Ann. Hindi siya agad makasagot.

“Ann, pwede ba? Kung pag-uusapan lang natin ang tungkol kay Rj at Fretzie. Pakiusap ayokong sagutin ang mga tanong mo. Kung ano ang problema ko at pinag gagawa ko sa buhay ko ay labas ka na roon.” Papasok na siya sa loob ng hinawakan siya ni Ann sa braso.

“James, alam kong hindi ako dapat nakikialam sa ginagawa mo kaya lang hindi ko maiwasan dahil concern lang naman ako sayo.”

“Ikaw concern sa akin? Kailan nangyari yun? Ni minsan hindi mo nga ako pinapansin o tinatapunan ng tingin kung nandiyan si Rj.” Nabigla si Ann sa sinabi ni James at tumahimik ito.

“Huwag mo ng ipagkaila na mahal mo si Kuya Rj kaya hindi mo ko magawang mahalin dahil  siya ang mahal mo. Di ba?” puno ng hinanakit na wika nito habang si Ann napatingin sa kanya hindi alam ang sasabihin.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon