Chapter 48

357 2 2
                                    

Chapter 48

“Ate Jackie, tuloy na tuloy na po ang alis ni Rj?” malungkot na wika ng batang babae habang kasama niya si Rj.

“Oo, Zie eh. Huwag kang mag-aalala nandito naman si Ate Jackie mo. Susulatan ka naman lagi ng kapatid ko.” Nakangiting sambit sa kanya ng Ate ni Rj.

“Ate Jackie, bakit ayaw mong sumama sa amin papuntang Australia?” tanong ng kapatid niya.

“Kasi gusto dito ko na lang tatapusin ang pag-aaral ko at isa pa hindi ka naman doon mag-iisa. Para hindi ka malungkot ibibigay na lang ni Ate ang bracelet na ito sayo para kahit malayo ka isipin mo lang na palagi lang akong nasa tabi mo.” nakangiting wika ng kanyang kapatid nang ibigay sa kanya ang bracelet nito.

“Pangako po. Babalik din ako, Ate.” Sagot ni Rj sa kapatid at niyakap niya ito ng mahigpit.

“Alam kong babalik ka. Mahal na mahal mo si Ate eh.”

“Oo naman.

“Huwag na kayong malungkot. Dapat tayong magsaya dahil kaarawan ko ngayon. Anong gusto niyong gawin natin? At isa pa may ipapakilala pa tayo kay Zie.”

“Ate, mamasyal tayo sa pantalan.” Masiglang sagot ni Rj sa kanya.

“Rj, baka hindi naman tayo payagan umalis parang masama kasi ang panahon.” Habang nakatingin si Zie sa kalangitan.

“Mukhang tama si Zie, Rj. Iba na lang ang gawin natin.”

“Ate, sandali lang tayo. Sige na.” naglalambing na wika ni Rj.

Umalis silang tatlo patungong pantalan kahit na ayaw silang payagan ngunit pinakiusapan ni Jackie at nangakong babalik din sila ka agad. Habang papunta na sila sa may pantalan ay nakalimutang dalhin si Jackie kaya kailangan niyang bumalik sa resort para kunin iyon.

“Rj at Zie, dito muna kayo ha? Huwag mo na kayong pumunta sa pantalán. Hintayin niyo ko dito. Maliwanag ba?” bilin ni Ate Jackie na kanilang dalawa.

“Opo.” Sabay nilang sagot.

Ilang minuto pa lang lumipas ay nababagot na si Rj kaya bigla niya na lang hinablot iyong kamay  ni Zie papuntang pantalán.

“Rj, teka muna. Sinabihan tayo ni Ate Jackie na huwag umalis hangga’t hindi pa siya dumadating.”

“Eh nababato na kasi ako sa kakatayo.” Paliwanag nito.

“Baka mag-aalala si Ate Jackie di niya tayo makita doon.” Kinakabahang sabi ni Fretzie.

“Alam naman ni Ate kung saan tayo hahanapin. Kaya tayo na.”

Nang mga oras na iyon ay hindi mapalagay si Zie. Parang pakiramdam niya ay parang may hindi kanais-nais na mangyayari. Takot kasi ang nararamdaman niya noong oras na iyon.

“Zie, bakit ang tahimik mo?” tanong sa kanya ng kababata.

“Ah wala to.”

“Ganon ba. Wala pa rin pinagbago ang pantalán parang gusto kung maligo.” Pahayag ni Rj.

“Tara, Zie. Ligo tayo.” Aya nito sa kanya. Hinubad na nito ang kanyang sando at papunta na si James may hagdan ngunit pinigilan siya ni Zie.

“Rj, huwag ka ng maligo pagagalitan tayo ni Ate Jackie niyan eh. At isa pa wala akong kasama dito.”

“Zie, ayos lang yun. Isa pa kabisado ko na rin ang pantalán kaya walang mangyayari sa akin na masama.”

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon