Chapter 13

397 2 0
                                    

Chapter 13

Kadadating lang ni James sa bahay ng Kuya Rj niya dala ang sasakyan niya. Pagpasok sa loob ng bahay ay hinanap nito ang kuya niya ngunit hindi niya mahagilap. Naisipan niyang pumunta sa kwarto ng Kuya niya baka sakaling makita niya. Ilang beses siyang kumatok sa pinto nito pero walang sumasagot kaya binuksan niya ang pinto. Nagulat siya sa kanyang nakita hindi niya inaasahan ang kuya niya may kasamang babae at hindi lang kung sinong babae kasama niya kundi si Fretzie ang kaklase at kaibigan niya.

“Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba may sakit siya.” Sabi nito sa sarili. Nakita niya ang eksena na hahalikan niya ito sa labi ngunit umeksena siya.

Tumikhim si James at nakita siya ng dalawa sa tapat ng pinto. Agad na bumangon si Kuya Rj niya at samantalang si Fretzie yumuko sa  sobrang hiya nararamdaman.

“Kuya, kanina pa kita hinahanap dito ka lang pala sa kwarto.” Wika ni James patay-malisya lang siya sa nakita.

“Zie, kainin mo na tong hinanda kong pagkain para magkalaman ang sikmura mo.” Sabi ni Rj sa kanya. Tumango lang siya at agad na lumapit sa maliit na mesa at kinain ang pagkain. Hindi niya maiwasan tumingin sa kanilang dalawa. Ngayon niya lang nalaman na may kakambal si Rj. Paano nangyari yun? Wala siya kasi naalala na kwento sa kapatid ang kababata.

“Zie? Di ba kuya yun ang tawag mo sa kababata mo?” tanong sa kanya ni James. Naaalala niya dati na palagi niyang kinukwento ang kababata niyang si Zie. Hindi niya naman akalain na si Fretzie yun. Kay liit nga naman ng mundo.

“Oo. Siya si Zie ang kababata ko.Kaya siya narito sa bahay dahil nahimatay siya sa labas ng gate ng school niyo. Buti na lang nakita ko siya. Siya nga pala mukhang kilala mo na siya ah. Paliwanag nito.

“Kaklase ko kasi siya at kaibigan.”sagot ni James.

“Ganon ba. Ang mabuti pa ikaw na lang ang maghatid sa kay Fretzie sa kanila mamaya sigurado akong nag-aalala na si Tita sa kanya. Hindi kasi ako makaalis dahil dadating sina Mama mamaya sigurado akong hahanapin nila ako.”

“Sige akong bahala.” Sagot ni James.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon