Chapter 5

505 3 2
                                    

Chapter 5

     Papuntang library si Fretzie nang binanggaan siya ni Devon ang palaging umaaway at nang lalait sa kanya sa halip pansinin niya ito ay iniwasan niya. Nabigla siya ng biglang tinulak siya ni Devon at tinapunan ng masakit na tingin.

“Aray.” Wika ni Fretzie.

“Yan ang bagay sayo. Akala mo kung sinong maganda hindi ka man lang maganda. At ang lakas din ng loob mong makipag kaibigan kay James. Eh di ba sinabihan mo na bobo si James. Noong araw na pumasok siya ng school. Bat ngayon kinakaibigan mo? Ambisyosa ka talaga!”

   Galit na wika nito ni Devon. Bigla siyang sinabunutan ang buhok niya. Hindi mapigilan ni Fretzie maiyak sa sobrang sakit ng pagkakasabunot sa kanya.

“Bitiwan mo nga ako, Devon. Ano ba ang problema? Bat ka galit na galit sa akin?” nangingiyak na tanong ni Fretzie.  Nakikita ni Fretzie na maraming estudyante nanonood sa kanila at sar-sari ang naging reaksyon nila.

“Alam mo ikaw ang problema ko!” sigaw ni Devon.

   Buti na lang dumating sina Trish at James. Agad tinulak ni Trish si Devon habang si James inalayan niya si Fretzie makatayo.

“Ang kapal talaga ng mukha mong awayin ang kaibigan ko. Wala naman siyang ginagawang masama sayo.” Galit na wika ni Trish.

“ Bagay lang yan sa kanya sobrang ambisyosa. Ang pangit na four-eyed girl na yan!” sarkastikong sabi ni Devon.

 Sasabunutan na rin ni Tricia sa sobrang inis si Devon ngunit pinigilan na siya ni Fretzie at si James ay naiinis na rin ngunit nagtitimpi lang.

“Trish, huwag mo na siyang patulan.” Pakiusap sa kanya ni Fretzie.

“Fretzie, sumusobra na siya. Akala mo kung sinong maganda eh negrang payatot lang naman siya.” Bulalas nito.

“Pwede po bang makinig muna kayong lahat sa sasabihin ko?” wika ni James na bigla si Fretzie nang magsalita si James. Agad naman tumigil ang mga estudyante sa pag-uusap at tuktok na tuktok sa kanya.

    Lumapit ito sa kanya kinuha ang salamin niya at pinunasan ang mga luha niya. Pagkatapos  ibinuhol ni James ang nakupusod niyang buhok at hinayaang nakalugay ang kanyang magandang mahabang buhok. Namangha ang mga estudyante sa nakita nila pati si Fretzie ay nagulat sa reaksyon nila.

“Ito ba ang sinasabi niyong pangit? Ang ganda-ganda ni Fretzie. Hindi lang siya maganda sa labas kundi pati sa loob din. Ito totoong maganda.” Pahayag ni James sa lahat. Sumang-ayon ang lahat ng estudyante sa mga sinabi nito. Naantig ang puso ni Fretzie sa ginawa nito hindi niya akalain na gagawin niya ito para sa kanya. Bago silang umalis na tatlo ay may sinabi pa si James kay Devon.

“I hope you’ve learned your lesson. Don’t judge the book by its cover. It’s just a simple saying but a meaningful one.” Sabi nito kay Devon at tuluyan na silang umalis.

Sobrang napahiya si Devon sa nangyari hindi niya mapigilan ang sarili na maiyak.  Habang dumadaan siya sa corridor ay pinagtitinginan siya ng mga estudyante.

“Fretzie Joans Ruite Bercede, may araw ka rin sa akin.” sinabi ni Devon sa sarili.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon