Chapter 28

340 2 0
                                    

Chapter 28

Tumakbo lang siya ng tumakbo malapit na siya kay Fretzie niyakap na niya ito nang biglang nawalan siya ng balanse at pareho silang bumagsak sa damuhan. Nagkatitigan lang si Rj at Fretzie.Nakadagan si Rj kay Fretzie at sobrang lapit ng kanilang mukha sa isa’t-isa. Naririnig ni Fretzie ang bilis na pagtibok ng puso ni Rj na feeling niya na parang sasabok ano mang oras.

“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang ang bilis pagtibok ng puso ko?” Tanong nito sa sarili habang nakatingin sa labi ni Fretzie na parang natutukso siyang halikan ang mapupulang labi nito. Habang nilalapit nito ang mukha nito kay Fretzie. Ipinikit ni Fretzie ang kanyang mga mata.

Naramdaman na lang ni Fretzie ang labi ni Rj sa kanyang labi. Sa unang pagkakataon ay na experience niya ang kanyang first kiss. Hindi niya inaasahan na si Rj ang magiging first kiss niya. Gusto man ni Fretzie itulak si Rj ay hindi niya magawa parang may pumipigil sa kanya na gawin yun.

Nang matauhan si James ay bigla siyang tumayo at inalayan si Fretzie para makatayo habang si Fretzie nag-iinit ang dalawang pisngi nito dulot ng halik kanina.

“Shit! Hindi ko dapat ginawa yun. Kuya Rj, pasensiya na nagkasala ako sayo.” Napamura niya sabi sa isip niya. Nakakahiyang aminin hindi pa ni James  na experience ang first kiss at si Fretzie pa ang first kiss nito. Nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa at hindi alam kung ano ang sasabihin nila sa isa’t-isa.

“Zie, I’m sorry hindi ko sinasadyang gawin yun.” Pagpaumanhin ni James kay Fretzie.

Tahimik lang si Fretzie at hindi makatingin diretso sa mga mata ni Rj. Hinarap niya rin sa wakas si Rj at nagsalita.

“Huwag kang mag-alala ok lang yun. Kalimutan na lang natin yun.” Tugon sa kanya ni Fretzie.

“Ang mabuti pa ililibre na lang kita ng mais. Di ba paborito mo yun?” nakangiting wika ni Rj.

“Sige. Matagal na rin akong hindi nakakatikim ng libre mo.” Nakangising sagot ni Fretzie sabay tapik sa balikat nito. Habang si Rj ay inakbayan siya sa balikat at naglakad palabas ng park.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon