Chapter 35

348 1 0
                                    

Chapter 35

Hindi nagpahalata si Fretzie kanina na nag-aalala siya kay James. Pagkatapos ng klase niya ay hinanap niya si James kung saan pwede siyang makita ngunit hindi niya ito nakita. Hindi niya inaasahan tatangayin siya ng kanyang dalawang paa patungo sa condo unit ni James. Papunta pa lang siya sa unit ni James ay kitang-kita niya si James na lasing at kasama nito si Devon. Ang mga sunod na nangyari ay hindi niya inaasahan hinalikan ni James si Devon. Pakiramdam niya noong oras na yun ay para siyang binuhasan ng malamig na tubig. Bakit ba siya nasasaktan ng ganito? May karapatan ba siyang masaktan at magselos? Ano ba niya si James? Kaibigan lang siya ni James at hanggang doon lang ang relasyon nila walang labis at walang kulang. Masakit mang tanggapin ngunit hanggang doon lang talaga sila. Nahulog ni Fretzie ang bitbit niyang cookies nang matauhan siya ay tumakbo siya papalayo doon. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Lingid sa kaalaman niya nakita siya ni James at sinundan siya. Nang maabutan siya ni James ay hinawakan siya sa kamay para pigilan siyang umalis.

“Sandali, anong ginagawa mo dito? Tanong ni James sa kanya agad ni Fretzie pinunasan kanyang mga luha. Ikinalas ni Fretzie pagkakahawak ni James sa kamay niya.

“Nag-aalala lang ako sayo ilang araw ka na kasing hindi pumapasok kaya pinuntahan kita dito baka sakaling makita kita. Hindi ko naman inaasahan na may iba kang kasama. Kaya aalis na lang ako.” Paliwanag nito

“Hindi na mo na kailangan mag-alala. I’m fine and I’m having fun.” Nakangiti ito sa kay Fretzie at may bahid na lungkot sa kanyang mga mata.

“James, ano ba nangyayari sayo? Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?” kitang kita sa mukha ni Fretzie pag-aalala nito kay James ngunit hindi ni James sinasagot ang mga tanong niya.

“Alam ko naman ang rason kung bakit ka nagkakaganyan eh. Si Ann di ba? Kailan ka ba matatauhan na kahit kailan ay hindi ka niya kayang mahalin. Na balewala ka lang sa kanya kahit anong pilit mong mapalapit sa kanya siya mismo ang lumalayo sayo.”  bulyaw ni Fretzie habang nanatiling tahimik si James. Hindi mapigilan ni Fretzie ang lumuha sa harapan nito pinipigilan niya ang patak ng luha sa kanyang mata ngunit kusa itong lumuluha.

“Sana man lang buksan mo naman ang puso at mga mata mo upang makita mo meron pang taong nagmamahal sayo.” Garalgal na wika nito.

“Ano ba ang problema mo? Pinuntahan mo lang ba ko dito para sermonan? Para ipamukha sa akin na wala akong halaga kay Ann? Fretzie, hindi mo naman alam ang nararamdaman ko. Palibhasa kasi hindi mo pa naramdaman ang magmahal ng taong na parang itinuturing ka na hangin alam niyang nandiyan ka ngunit balewala ang presensiya mo. Papaano mo pala malalaman ang nararamdam ko? Ni kahit minsan ay hindi mo pa nararamdaman yun.” Hindi mapigilan ni James ang ibuhos ang sama ng loob nito.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon