Chapter 17

370 3 1
                                    

Chapter 17

Sa paglipas ng mga araw mas lalong napapalapit si Fretzie kay James. Masaya siya pagnakakasama niya ito. Kung minsan nga ay nagkayayain pa silang mamasyal kasama si Ivan at Trish. Nasa sa isang fastfood chain na malapit sa kanilang paaralan.

“Fretzie, di ba malapit na ang school ball sa ating school?” nakangiting na wika ni Trish.

“Ah. Oo.” Tipid niyang sagot habang kinakain niya ang inoder niyang spaghetti. Hindi pa kahit kailan na umaatend ng school ball si Fretzie dahil masyado siyang okupado sa ibang bagay at isa pa hindi siya mahilig umattend ng parties.

“Sigurado akong kukulitin na si James ng club na “Campus Got Faces” na maghandog ng isang kanta sa school ball. Isa pa sikat si James at sigurado akong maraming estudyante dadalo pag nangyari yun” Wika ni Trish.

“Sang-ayun ako kay Trish. I’m sure any  minute by now nandiyan na ang president nun dito.” Nakangising wika ni Ivan. Si James ay nanatiling tahimik sa tabi.

“Speaking of the devil wicked witch.” Asar na wika ni Trish habang papalapit sa kanila si Devon kasama ang kaibigan niyang si Shey.

“Hi! James, Can I talk to you in private?” maarteng sambit ni Devon.

“I’m sorry, I can’t. Can’t you see that I’m with my friends right now? If you want to talk to me, you can say it front of me.” Sagot ni james kay devon. Medyo naiinis si Devon sa kay James kaso hindi niya lang pinapahalata.

“Sure. I would like to ask you to sing a song in the upcoming ball in our school. I hope you won’t mind.” Nakangiting sambit ni Devon kay James.

“ Mukhang tama ang hula ni Trish at Ivan. Hindi man kasi maipagkakaila na sobrang sikat ni James sa kanilang school at isa pa isa siyang sikat na singer.” Sabi ni Fretzie sa loob-loob nito.

“I’ll sing in the up coming ball in one condition.” Nakangiting wika ni James. Parang nakahalata ang tatlo sa iniisip ni James.

“Sure. Ano ba ang gusto mong gawin ko para kumanta ka lang?” tanong nito sa kanya ni Devon.

“I’ll just sing if I would sing duet with Fretzie. As simple as that.” Na shock si Fretzie sa kanyang narinig at muntikan na siyang mabulunan sa kinakain niya. Samantalang si Trish ay kinikilig sa deklarasyon ni James at habang si Ivan ay nagulat rin ngunit hindi lang nagpahalata.

“Fretzie, ok ka lang ba?” tanong sa kanya ni Trish agad siyang inabutan ni Trish ng tubig ininom niya yun.

“James, nagpapatawa ka ba? Ni hindi nga yan kumakanta ang babaeng yan.” naiiritang sagot ni Devon. Kitang-kita sa mukha ni Devon ang sobrang inis. Magrereact sana si Fretzie ngunit pinipigilan siya ng dalawa. Kaya nanahimik na lang si Fretzie sa tabi.

“She does.kung hindi mo maibibigay ang kondisyon ko eh. Kalimutan mo na lang ang hinihingi mong pabor sa akin” hamon sa kanya ni James. Napilitan si Devon na sumang-ayon sa kondisyon ni James.

“Okay fine. Aabangan ko ang magiging number niyong dalawa.” Matabang tugon nito agad na umalis si Devon.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon