Chapter 36

333 1 0
                                    

Chapter 36

“Alam mo kung ano ang problema ko? Ikaw! Bakit lagi na lang kita iniintindi? Bakit nasasaktan ako pagnakikita kitang nagkakaganyan? Ang hirap kasi sayo si Ann lang ang laging iniisip mo paano naman ang ibang taong nagmamahal at nag-aalala sayo wala lang ba sila sayo? Oo, wala nga ako sa posisyon mo ngayon. Hindi mo naman talaga alam ang tunay kong nararamdaman eh. Masyado kang manhid at bulag para maunawaan mo.” galit na wika nito patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa kanilang mga mata.

“Wala akong pakialam kung anong nararamdaman mo.Sino ka ba para pagsabihan mo? Nobya ba kita? Hindi naman di ba? Kaya wala kang karapatan sa akin at umasta na parang nobyo mo ko. Kaya pwede ba umalis ka dito sa harap ko.” Galit na wika nito. Nang sinabi yun ni James kay Fretzie ay natameme ito at pakiramdam niya ay parang sinaksak siya sa dibdib ng bongang-bongga. Tama nga si James. Sino ba siya sa buhay nito? Parang balewala lang siya pala kay James. Kay sakit mang tanggapin pero yun ang katotohanan.

“Pasensiya ka na ha? Masyado akong nakikialam sayo. Sobrang concern lang naman ako sayo ngunit ako pa ang lumabas na masama. Huwag kang mag-alala hindi na kita gagambalain pa.” matatag na wika nito. Tumakbo si Fretzie paalis doon sa lugar na yun habang si James ay naiwan nakatayo habang tinititigan niyang papalayo si Fretzie. Hindi napansin ni James na nandiyan si Devon sa likod nito.

“James sweetie, patuloy na natin ang naudlot kanina?” nang-aakit na wika nito habang nakayakap ito sa likuran ni James.

“Devon, pwede bang umuwi ka na lang.” tugon nito sabay kalas sa mga kamay na nakapulupot sa likod nito. Bigla siyang hinalikan ni Devon sa kanyang labi ngunit tinulak niya ito.

“Devon, pwede ba umuwi ka na? Huwag mong ubusin ang pasensiya ko.” Seryosong wika nito  kay Devon. Tutol man si Devon sa sinabi nito ay padabog itong umalis. Pabalik na siya sa kanyang condo unit nang makita niya ang paper bag na dala ni Fretzie kanina. Pinulot niya ito at binuksan ang paper bag nakita niya ang chocolate chip cookies nagawa nito. Nalungkot si James nang makita niya ang cookies inabala niya si Fretzie na hanapin at kumustahin siya dahil nag-aalala ito sa kanya sa halip ay sama ng loob ang isinukli nito. Nakonsensiya sa ginawa nito kay Fretzie. Pagnalaman ng Kuya niya ang ginawa niya ay lagot siya dito.

Pagdating ni Fretzie sa kanilang bahay ay walang tao doon. Bigla niyang nakalimutan na merong meeting pinuntahan ang kanyang mama at magagabihan ito ng uwi. Dumiretso ito sa kanyang kwarto at nahiga sa kanyang kama. Pilit niyang hindi isipin ang mga nangyari kanina ay pabalik-balik ito sa kanyang isipan.  

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon