Chapter 42

334 5 0
                                    

Chapter 42

“Pag-ibig na kaya? ,Pareho ang nadarama ,Ito ba ang simula? ,'di na mapipigilan ,Pag-ibig na ito ,Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito ,Pag-ibig na kaya ito  ,Pag-ibig na kaya ito,Pagkat nararamdaman ,Pag-ibig ating natagpuan.” Sabay na kanta ng dalawa. Masaya kahit papaano si Fretzie na na tuloy ang kanilng duet.

Pagkatapos nilang kumanta isang masigabong palakpakan ang ibinigay sa kanilang dalawa. Sabay silang umalis ng stage at inilayan siya ni James papasok ng backstage.

“Charming Zie, hindi ka ba pa pupunta sa labas?” tanong sa kanya ni James.

“Hindi pa may aayusin lang ako. Susunod din ako ka agad.” Nakangiting wika ni Fretzie kay James.

“Sige mauuna lang ako sayo. Sumunod ka ha?” tugon sa kanya ni James.

Kinuha ni Fretzie sa may maliit na cabinet ang change costume niya para sa intermission number ya. Isang white na cocktail dress na simple ang tabas agad siyang pumasok sa dressing room upang magpalit.

Paglabas niya ng dressing room ay may dala siyang gitara. Ilang araw niya lang pinag-aralan ang mag-gitara mabuting na lang at masyado siyang mabilis matuto. Lumapit sa kanya ang isa sa mga staff ng program para sabihin siya na ang susunod na magpeperform. Pinanatag niya ang kanyang sarili at huminga ng malalim.

“Fretzie, kaya mo to.” Sabi nito sa sarili.

Kanina pa si James paikot-ikot sa loob ng auditorium at hinahanap niya si Fretzie ngunit hindi niya ito makita. Nang makasalubong niya si Trish at tinanong niya ito.

“Trish, nakita mo ba si Fretzie? Kanina ko pa siya hinahanap eh. Sabi niya kasi susunod siya pagkatapos ng number namin.”

“Ahm..James, hindi ko din alam eh… Baka nasa tabi-tabi lang yun o kasama niya si Rj.” Paliwanag ni Trish ngunit ang totoo alam ni Trish na nasa backstage pa hanggang ngayon si Fretzie naghahanda para sa surprise number niya.

“Ganon ba.” Tipid nitong sagot.

“James, ang mabuti pa umupo na lang tayo. Nandoon na sa mesa sina Ivan at Ann kanina pa nila akong hinihintay.” Agad silang pumuntang dalawa sa mesa kung saan naroroon ang kaibigan nila. Naupo silang dalawa at napatingin sa stage. Ilang minutong nakalipas ay lumabas ang emcee lumapit ito sa may stage at inaaliw ang mga panauhin.

“While waiting for our dinner to be served. Let’s have a special number from a charming angel of our school. Let’s give it up to Fretzie Bercede.” Masiglang wika ng emcee. Masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga taong naroroon sa auditorium. Tumahimik ang buong paligid ng lumabas si Fretzie mula sa backstage na may bitbit na gitara.

Nagulat si James nang makita niya si Fretzie sa entablado hindi niya inaasahan na si Fretzie ang magbibigay ng special number. Nakasuot si Fretzie ng white na cocktail dress at nakalugay ang buhok nito na kinulot sa dulo. Mukhang diyosa siya sa ayos niya. Hindi niya maalis ang tingin niya dito.

“Bago ako magsimula nais ko sanang batiin kayong lahat ng magandang gabi. Ang kantang aawitin ko ay inaalay ko sa inyong lahat at sa isang tao na naging espesyal sa akin. Minsan sa buhay ng tao kapag nagmahal ka lahat ay gagawin mo para mapasaya siya kahit minsan ay hindi ka parte nito. kahit gaano ka sakit ay titiisin mo para sa kanya kung minsan nga torture na sa iyo. Sana magustuhan niyo ang kantang ito.” Nakangiting wika nito. inumpisahan na ni Fretzie ang pagkaskas ng gitara at kumanta.

“She can’t see the way your eyes that light up when you smile. She never notice how you stop and stare whenever she walks by. And you could see me wanting you, the way you want her but you are everything to me.” puno ng emosyon ang pagkakanta ni Fretzie sa kanta habang tinitignan niya mula sa kanyang kinaroroonan si James habang lihim na sinusulyapan si Ann.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon