Chapter 9

464 3 0
                                    

Chapter 9

Maagang pumunta ng paaralan si Fretzie bitbit ang homemade chocolate chip cookies na ginawa niya na nakalagay sa may paper bag. Ibibigay niya ito kay James bilang pasasalamat sa ginawa nito noong nakaraang araw. Papunta na si Fretzie sa kanyang silid aralan ng makita niya si James. Lalapitan niya sana to nang makita niyang may babaeng kasama ito. Nakikita sa mukha ni James ang kaligayahan sa mga mata nito habang kinakausap ang babae

 Hindi maintindihan ang kanyang sarili kung bakit parang tinusok-tusok ang kanyang puso ng sandaling yun. Gustuhin man niyang umalis ngunit hindi niya maigalaw ang mga paa nito at tumakbo palayo.

“Hi! Fretzie, kanina ka pa riyan?” tanong ni James sa kanya. Gustuhin man niyang umalis ay nakita na siya ni James kasama ang babae.

“Hindi naman.” Tipid nitong sagot. Pilit na ngumiti si Fretzie kahit labag sa loob nito.

“Siya nga pala gusto kung ipakilala sayo si Ann Li. Ann, siya nga pala si Fretzie ang magiging kaklase mo rin.” Nakangiting wika ni James. Ngumiti din sa kanya si Ann at sinabing.

“Hi! I’m Ann. Nice meeting you.” ngumiti din siya kay Ann.

“Ano pala bitbit mo na yan?” Interesadong tanong ni Ann sa kanya habang nakatingin si James sa kanya.

“Ahm….James, para sa iyo sana magustuhan mo.” Sabay bigay kay James ang paper bag.

“Salamat dito ha?  Hindi mo naman kailangang mag-abala. Ano ba ito?” interesadong tanong ni James. Binuksan ni James ang paper bag at nakita niya ang cookie jar. Pagbukas nito ay napangiti si James sa kanyang nakita. Homemade chocolate chip cookies ang laman ng cookie jar. Kumuha siya ng isa para tikman ang cookie.

“Ang sarap naman nito. Salamat dito ha? Matagal  na rin akong hindi nakakain nito. Alam mo bang paborito ko to.”

Masaya si Fretzie nagustuhan ni James ang gawa niyang cookies.

“Walang anuman yun, James. Thank you gift ko yan sa ginawa mo sa akin noong nakaraang araw.” Sagot nito. Habang si James ay enjoy na enjoy sa pagkain ng cookies.

“Alam mo iyang si James noong mga bata kami lagi kaming maghahabulan sa bahay nila pag nagbebake ang mommy niya ng cookies. Inuubus niya kasing kainin ang cookies na gawa ng mommy niya at ayaw na ayaw niyang mag-bigay.” Pagkukwento ni Ann kay Fretzie.

Napangiti na lang si Fretzie sa kwento ni Ann nang bigla niyang maalala ang kanyang kababata niyang si Rj kapag magbe bake ang kanyang ina ng cookies tumutulong silang dalawa ni Rj sa pag prepare ng ingredients at sila rin mismo ang naghuhulma.

“Fretzie, ayos ka lang ba?” tanong sa kanya ni James.

“Ayos lang ako naalala ko lang kasi ang kababata ko sa kwento ni Ann.” Paliwanag ni Fretzie.

“Siguro close talaga kayo ng kababata mong yun no?” komento ni Ann. Napangiti na lang si Fretzie. Sobrang close sila ng kababata niya na parang hindi sila mapag hiwalay. Labis ang lungkot niya ng umalis ito ngayong narito na ito ay Masaya na rin siya dahil palagi na rin silang magkikita.

“Ang mabuti pa Ann ipapasyal na lang kita sa buong campus kasama ni James para maging pamilyar ka sa campus.” Aya ni Fretzie kay Ann at James.

“Sige. Salamat Fretzie.” Sinserong wika nito.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon