Chapter 45

343 3 1
                                    

Chapter 45

Pumunta si Rj sa puntod ng namatay niyang kapatid na si Ate Jackie. Pitong taon ng nakaraan ng mangyari ang aksidente na ikinamatay ng kanyang Ate Jackie. Maraming nalungkot sa nangyari at labis paghihinagpis ng kanyang mga magulang hindi nila matanggap ang nangyari sa nag-iisa nilang anak na babae. Nag-alay siya ng kandila at mga bulaklak sa puntod nito dahil ngayon mismo ang death anniversary ng kanyang kapatid.

“Ate Jackie, pag nalaman ni James ang buong katotohanan mapapatawad niya pa kaya ako? Buong buhay ko dala-dala ko ang guilt sa puso ko. Ginawa lang namin to nina Mama at Papa para sa ikabubuti niya. Alam kung mali ito lang kasi ang paraan naisip namin ang ibaon ang nakaraan. Patawad Ate Jackie kung pati ikaw ay kailangan naming ibaon sa limot. Gusto man naming huwag gawin yun pero kailangan alang-alang kay James.”

Kung pwede niya lang sana maulit ang nangyari sana hindi na lang siya umalis at iniwan sila. Hindi mangyayari ang aksidente at hindi sana ma tutrauma sina James at si Fretzie. Pagkatapos kasi nang aksidente ay hindi na nila makausap si James lagi na lang itong tulala at hindi makausap ng matino. Kung minsan nagkakaroon din siya ng mga nightmares at umiiyak na lang ito ng walang dahilan. Kaya nagpasya silang dalhin ito sa isang psychiatrist upang matignan ang kanyang kalagayan. Pagkatapos noon nagpasya silang dalhin sa Australia ito upang makalimutan nito ang nangyari sa nakaraan. Bago sila umalis ng Australia, nagsimula ang kanyang malaking pagkukunwari. Hindi niya alam ang gagawin sa oras na malaman ni James at Fretzie ang totoo, maituturing pa kaya siyang kaibigan o kapatid yun ang hindi niya masabi.

“Kring,kring,kring…” tunog ng cellphone ni Rj agad niyang sinagot ang tawag sa kanyang cellphone.

“Hello Rj, saan ka ngayon? Hinahanap ka kasi ng Papa mo.” sabi ng kanyang ina sa kabilang linya.

“Hi! Ma, nandito ako ngayon sa sementeryo binisita ko ang puntod ni Ate Jackie. Hindi po ba kayo bibisita dito?”

“Ganon ba. Pasensiya ka na kaya kasi ako tumawag dahil aalis kami ng Papa mo may business trip kami. Baka sa susunod na lang kami bibisita. Hectic kasi schedule namin ng Papa mo. Sige Rj mag-iingat ka diyan pakitignan mo ang kapatid mo.” bilin sa kanya ng ina niya.

“Sige po. Ako na ang bahala.ingat po kayo sa biyahe ni Papa. Bye po.”

Kadadating ni Fretzie sa kanilang bahay matamlay itong umupo sa sofa at napatingin sa kisame. Hindi niya mapigilan ang mapa-isip sa nangyari buong araw sa eskwela. Hindi niya inaasahan ang mga rebelasyon na nalaman niya na patay na si Ate Jackie at higit na gumulo sa kanyang isipan bakit wala siyang maalala sa mga nangyari lalong-lalo na sa aksidente. Nasabi sa kanya ni Trish na nandiyan siya nang mangyari ang aksidente. Hindi rin niya inaasahan na walang maalala si James tungkol sa kanyang nakakatandang kapatid niya.

Napabuntong hininga siya at inunat niya ang kanyang sarili at napahiga sa sofa. Nang makita siya ng kanyang Mama na nanggaling sa kusina.

“Anak, may problema ba? Kitang kita kasi sa mukha mo na may pinoproblema ka at malalim ang iniisip mo.” Nag-aalalang wika ng kanyang ina. Tumabi ito sa kanya sa sofá.

“Ma, bakit wala akong maalala nang mamatay si Ate Jackie?” pagsisiwalat nito sa kanyang ina. Nagulat ang kanyang ina sa tanong nito na parang hindi niya inaasahan na ito ang itatanong niya sa kanya.

“Anong bang ibig mong sabihin na hindi mo maalala, anak? Kung paano siya aksidente? Sa totoo lang anak hindi ko masasagot ang tanong mo. Nang araw na inuwi ka dito ng mga magulang ni Rj ay hindi kita makausap dahil panay ang iyak mo. Natakot nga ako baka hindi ka maka recover sa trauma. Buti na lang naging maayos ang lahat. May problema ba, anak? Napapanaginipan mo ba ang ulit ang aksidente?”

“Naguguluhan lang po ako, Ma ngunit ayos lang po ako at hindi ko na rin po napapanaginipan yun dahil wala nga akong maalala ni isang alaala sa aksidente.” Paliwanag nito.

“Alam mo, anak. Grabe nga iyong trauma na nangyari sa kababata mong si Rj. Buti na lang naka recover ito sa aksidente. Dinibdim niya kasi ang pagkamatay ng kapatid niyang si Jackie. Akala nga ng mga magulang niya hindi na ito makakapagsalita muli. Sa awa naman ng Panginoon ay naging normal ulit ang buhay niya.”  pagkukuwento ng kanyang ina sa kanya.

“Ma, pwede niyo po bang maikwento sa akin ang nangyari kay Ate Jackie baka may ideya po kayo. Impossible naman po wala kayong ideya. Sige na po.” Pakiusap ni Fretzie s ina nito.

Nag-aalangan ang kanyang ina kung sasabihin nito sa kanya ang nangyari. Tinignan siya ng kanyang anak na para bang nagsusumamo.

“Ganito kasi ang nangyari, naimbita ka ng kababata mo na pumunta sa kanilang beach resort na pag-aari ng kanyang mga magulang kaarawan din kasi noong araw na yun ni Jackie. Mamayang gabi pa sana ang party sa beach resort kaya namasyal kayong tatlo. Hindi sana kayo papayagan na umalis dahil medyo masama na ang panahon kaso nagpupumilit ang kababata mo. Saglit lang nang iniwan lang kayo ni Jackie sa may pantalan dahil may naiwan siya kasi sa resort kaya  siya umalis. Pagbalik niya nasa tubig na si Rj nalulunod habang ikaw sinubukan mo siyang tulungan. Medyo malakas pa ang alon noon dahil may padating daw na bagyo. Tumalon agad sa tubig Jackie at sinagip ang kapatid niya nang mailigtas niya si Rj ay bigla na lang siya hinampas ng malakas na alon papalayo at hindi na ninyo siya nakita. Kinaumagahan na makita si Jackie ngunit isa na itong malamig na bangkay.” Pagsasalaysay ng ina ni Fretzie.

Hindi namalayan ni Fretzie na umiiyak na siya nag kinukwento sa kanya ang nangyari. Pakiramdam niya parang na bumigat ang pakiramdam niya na hindi niya maintindihan.

“Anak, ayos ka lang ba? Ayoko kasing ikuwento ang nangyari dahil ayokong maalaala mo ang nakaraan.”

“Ok lang po ako Ma. Papasok mo na ako sa silid ko.” Paalam nito sa ina. Tumango lang ito at pumanhik na siya sa loob.

Nasa cake shop sina James at Ivan habang may hinihintay sila na taong kakausapin. Nang malaman niya ang tungkol sa kanyang kapatid na si Ate Jackie agad niyang tinawagan si Ivan tungkol dito. Kaya nagkita sila ngayon sa cake shop para kausapin niya ang kilalang secret investigator ni Ivan. pagkalipas ng ilang minute ay dumating na kanilang hinihintay.

“Magandang gabi, Sir Kobi. Siya nga pala ito pala si James ang kaibigan ko. James, si Sir Kobi ang prívate investigator ni Papa.” Pagpapakilala ni Ivan sa kanila agad silang naupo at pinag-usapan kanilang kailangan.

“Sir Kobi, may gustong alamin si James tungkol sa kanyang nakakatanda niyang kapatid na babae na si Jackie. Kung anong nangyari sa kanya at kung paano siya namatay.” Paliwanag ni Ivan.

“Sige susubukan kung hanapin ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa kanya. Kaya lang batay sa sinabi ni Ivan may possibilidad itinago na ng mga magulang mo ang tungkol sa kapatid mo dahil nila matanggap ang sinapit nito. Malaki rin ang possibilidad na pinabura ng mga magulang mo ang records kaya mahihirapan akong hanapin pero pinapangako na gagawin ko ang lahat para malaman mo ang totoo.”

“Salamat po, Sir Kobi.” Tipid na wika ni James.

Author's Note: ito iyong kauna-unahang note ko sa istoryang to. Sa mga nagbabasa ng storyang ito maraming-maraming salamat.  sana patuloy niyo pa ring supportahan ang Invisible. Feel free to leave a comment. at sana bumuto din kayo. Thank you so much.

Irish

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon