Chapter 12

383 3 0
                                    

Chapter 12

Nagising si Fretzie na medyo kumakalap ang sikmura.kaya bumangon siya nang mapansin niya na hindi niya kwarto ang silid. Nagtataka siya kung bakit siya napunta dito. Nang maalala niyang nawalan siya ng malay sa labas ng gate ng paaralan. At may nag karga sa kanya yun lang ang huling maalala niya.

Lalabas na siya ng kwarto ng makita niyang bumukas ang pinto at nakita niya si James na may dala-dalang pagkain. Kaya lang ang pinagtataka niya bakit may suot siyang salamin at nakapambahay lang ito.

“James?” nalilitong wika nito. Ngumiti lang ito sa kanya habang inilagay niya sa maliit na mesa ang pag-kain.

“Hindi mo na ba ako naaalala Zie?” tanong nito sa kanya. Medyo nalilito siya sa nangyari. Tinititigan lang ni Fretzie ang lalaking kaharap niya ng may bigla siyang naalala.

“Rj, ikaw ba yan?” tumango ito sa kanya. Halos maglulundag siya na parang bata sa tuwa ng makita niya ulit ang kababata nito.

“Sa wakas naalala mo rin ako akala ko kasi hindi mo na ako makikilala dahil sobrang gwapo ng kababata mo.” Pagbibida ni Rj sa kanya.

“Naku, ganon ka pa rin. Ang cutie cutie kong kababata.” Sabay kurot sa magkabilang pisngi nito.

“Aray!!! Ano ka ba naman? Masakit yun ah.” Hinahaplos nito ang parte ng pisngi na kinurot ni Fretzie.

Nagulat siya ng niyakap siya ni Rj ng mahigpit at hinalikan siya sa pisngi. Hindi niya inaasahan na gagawin niya yun. Feeling niya ng mga oras na yun ay nakalutang siya sa ere at kinikilig. Sino ba naman ang hindi kiligin ang taong gusto niya ang kasama niya. Pagkatapos nun ay kumalas din siya sa pagkakayakap dito.

“Sus, ikaw ha? Di pa yakap at halik ka pa nalalaman. Na miss mo ko ng sobra no?” nakangiting sambit nito at kinindatan pa siya ni Fretzie.

“Oo. Sobrang miss ko na ang makulit kong kababata na si Zie.” Nang-aasar na wika ni Rj.”

“Makulit pala ha?”  Naghahabulan silang magkababata sa loob ng kwarto nahuli na niya si Rj ng pareho silang natumba sa di kanais-nais ng posisyon. Nasa itaas niya si Rj at siya naman ang sa ilalim. Nagtitigan lang silang dalawa. Hindi niya mapigilan ang mag-mamula ang pisngi dahil sobrang lapit ng pisngi nila.

“Hahalikan siya sana ni Rj. Nang biglang bumukas ang pinto at kitang-kita ng taong yun ang posisyon nilang pareho. Biglang bumangon si Rj tapos siya naman ay napayuko sa sobrang hiya.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon