"Ayus ka lang mahal?" Tanong niya saken,

"Ahhh e sorry. Opo okay lang hehe"sabi ko nalang.

"Hmmm ata yung mahal ko. Sige kiss kita. Mwa!" At kiniss niya ako sa noo.

"Gusto ko sa lips" paglalambing ko.

Biglang tumawa si Dan at umalis na.

"Akala ko ba ayaw mo kay Dan?" Tanong ko pa sakanya.

"Takot lang ako malaman niya about saten. Haha. Baka ikaw magustuhan niya eh. Yun pala si Alvin gusto" paliwanag na lang niya.

"Nako yung kiss ko sa lips"

"Malapit na promise!" Sabi niya.

Di ko na lang pinansin haha.

Maya maya lumapit saken si Anna.

"Pat, samahan mo ko. May bibilhin lang ako."

"San tayo punta?"

"Sa Megamall, tara na bibili lang ako foods natin. Di kasi alam ni Brandon to haha"

"Ayy ganun. E magpapaalam din ako kay Elmer, wait lang"

"Eeee wag na rin. Tara na!"

At hinila na niya ako palakad papuntang mall.

"Sorry ikaw sinama ko ah, nahihiya kasi ako kay Brandon na bumili ng napkin eh haha" sabi ni Anna,

"Ayun lang pala bakit kailangan sa megamall pa haha" sabi ko naman

"Haha shopping na rin us ng trunks haha"

Nagtawanan lang kaming dalawa! At pumuntang megamall.

Papasok na kami ng entrance ng biglang may lumapit sameng dalawang lalaki at hinablot yung bag ko.

"Tangina eto yung lalaking yun eh!!" Sabi nung isang lalaki na matanda at maraming bigote.

Binuksan niya yung bag ko at hinalungkat. Sa takot namen ni Anna napatingin lang kami sa ginagawa ng dalawang lalaki.

Bigla na lang iniwan ng lalaki yung bag ko sa sahig at umalis.

"Mag ingat ka bata!" Sabi nung lalaki.

Nagkatinginan lang kami ni Anna at may lumapit na guard.

"Ayos lang kayo?" Tanong nung guard.

Di kami nakapagsalita ni Anna.

"Sir, check niyo po gamit niyo kung may nawawala. Ganyan po kasi ang gawain ng budol budol ngayon" sabi ng guard.

Dali dali ko namang chineck yung bag ko at nawawala nga yung wallet ko!

"Shit Anna. Yung wallet ko nawawala!" Sabi ko sakanya.

"Ha?check mo mabuti!" Sabi ni Anna.

Pero chineck ko ng mabuti, wala talaga, naiiyak na ako kasi andun yung pera kong pang Zambales maya maya.

"Pat tara tayo na tayo. Marami ng nakatingin na tao" sabi ni Anna

Napansin kong marami ngang nakatingin. Inayos na namen yung gamit kong magulo at umalis. Pumunta na kami supermarket at bumili ng mga bibilhin.

"Pat Sorry talaga, sagot ko na lang yung pang Zambales mo" sabi ni Anna.

"Sorry, tanga tanga ko. Budol budol nga pala yung ganun" sabi ko naman.

Naglakad lakad lang kami sa supermarket at bumili ng mga pagkain.

Bigla namen nakita ni Anna ang familiar na mukha. Si George! Napansin niya kaming dalawa.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryWhere stories live. Discover now