"Sige ingat!" Paalam ko.

Biglang tumawag si marine saken.

"Ang pogi ng mahal ko ah?" Sabi niya agad pag sagot ko.

Lumingon lingon ako sa palagid at nakita ko siya sa may entrance ng school na nakatayo. Gwapong gwapo sa uniform niyang marine. Nakangiti siya nung mapansing nakita ko na siya.

Lumapit ako sakanya.

"Tara na?" Sabi niya saken.

"Ha? San tayo punta?" Sabi ko.

"Sa dorm mo dun uli ako matutulog hihi" sabi niya.

"Daig pa natin mag asawa haha. Umuwi ka na at hinahanap ka na sainyo!"

"Eeeee hindi ako hinahanap dun tsaka birthday ni papa, siguradong maraming tao dun."

"Hala e birthday pala ng papa mo eh mas lalong umuwi ka. Ayoko nung nasasanay ka samen kasi mawawalan ka ng time sa family mo"

"Ayaw ko!" Umasta siyang bata nung sinabi niya to.

"Nextime ka na lang matulog samen at marami pa akong gagawin. Pumunta kana sa birthday ng papa mo" sabi kong ganun

"Sama ka nalang saken para okay. Tutulungan pa kita sa gagawin mo bukas tutal weekend naman."

"Nakakahiya mamaya kung ano isipin nila saten"

"Hala meron nabang tayo???" Kilig niyang sabi

"Haha baliw, baka pagkamalan lang. Baka naman ayaw ng magulang mo yun." Paliwanag ko.

"Hindi yan at saka mas okay yun para makilala mo na sila. Sa susunod ako naman pakilala mo sainyo hehe"

Pumayag na ako at makulit talaga siya.

Dun ko nalaman na taga Pasig pala siya. May sakayan sa tapat ng school namen na jeep hanggang pasig kaya di mahirap yung byahe.

Halos isang oras din yung byahe hanggang sa makarating kami sakanila.

Malaki yung bahay nila. Sa lugar nila sila yung may pinakamagandang bahay. Abot hanggang third floor, maraming halaman at may bakuran pa.

"Ang laki naman pala ng bahay niyo. Mayaman pala kayo." Bigla kong nasabing ganun.

"Hindi naman saken yan eh, sakanila yan. Tara na?"

Pumasok na kami at sumalubong saken ang halos sampung tao na may kaedaran na, nagiinuman at nagsisigarilyo. Maingay pero mukhang nagkakasiyahan sila.

"Pasensya na ang ingay ha? Sabi ko naman sayo eh. Kaya ayoko umuwi eh" bulong niya saken

"Okay lang mukha namang masaya eh" sabi ko.

"Elmer anak? Umuwi ka? Hala yung baby ko! Payakap nga sa anak ko" bungad sa kanya ng babaeng maganda pero may edad na. Sexy at mahaba buhok, halos kamukhang kamukha niya, sigurado akong mama niya to.

"Hala si mama may kasama ako nakakahiya" sabi pa niya pero humalik siya sa pisngi sa mama niya.

"Hello po" bati kong ganun at nag mano ako.

"Hello din naman" ngiti niyang bati

"Ma, si patrick. Patrick si mama" pagpapakilala niya

"Hi patrick. Buti naman nakapunta kayo" sabi pa ng mama niya. Mukhang mabait yung mama niya at talagang maganda.

"Ayaw ko sana eh pinilit lang ako ni patrick hehe. Gutom na kami ma, may pagkain ba diyan?" Tanong ni marine sa mama niya

"Oo anak andun sa kusina kuha na lang kayo. Madami akong bisita eh. Kaya mo naman na diba? Magpakita ka din sa tatay mo" sabi ng mama at umalis na.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon