"Hindi naman sa ayaw pero kasi hindi ko maramdaman yung nararamdaman niya saken eh. Mas okay kung magkaibigan na lang kami" sabi ko naman

"Yung ganyang dahilan, dalawa lang nakikita ko eh. It's either may gusto kang iba o ayaw mo mag jowa"

Napaisip ako bigla kung ano isasagot ko. Buti na lang nag ring yung phone ko, tumatawag si Marine.

"Wait lang ah sagutin ko lang to hehe" sabi ko Dennis

Tumango lang siya.

"Hello?"

"Nasan ka? Lunch tayo"

"Ahh nasa SM pa ako e may kasama ako."

"Sino kasama mo?"

"Si Dennis, tropa ko"

"Ahhh eh nasan kayo ngayon?"

"Nasa chatime lang, paalis na rin ako mayang 12:30"

"Ahh sige mag ingat ka diyan ah"

"Opo sige bye"

At binaba ko na yung phone.

"So ang sagot mo eh may gusto ka ng iba haha" biglang sabi ni Dennis

"Hehe oo eh."

"Ganyan din ako kay Paulo nun, nakakainis nga minsan yun eh biglang di magpaparamdam ewan ko ba. Pero kinabukasan, okay naman. Pag tinatanong ko san galing, nag aaway lang kami kaya di ko na lang kinukulit" paliwanag niya

"Pero ang sweet niyo talaga. Sobra. Nakakainggit" puri ko sakanya

Pinagtitingan kami ng mga tao. Siguro pinagkakamalan kaming magsyota.

"Hayaan mo. Sanay na ako sa ganyan na maraming nakatingin. Masasanay ka rin kapag magkasama kayo ng jowa mo haha"sabi niya.

Nagkwentuhan pa kami ng matagal pero sabi niya

"Shit. Kailangan nasa school nako ng 12, hala 12 na. Tara na pat alis na tayo!"

Pero nung patayo ba kami bigla kong nakita si Marine!

Naka uniform siya na super pogi, wala siyang dalang bag at palapit siya samen.

"Oh san kayo ppunta?"sabi ni marine

"Ahh bat andito ka? Papasok na siya eh" sabi ko naman

"Wow Hi!"bati ni Dennis habang nakangiti saken.

Tumango lang si Marine.

"Sige na pat alis na ako bye." Sabay alis niya habang nakangiti

"Sino yun?" Tanong ni marine

"Taga samen lang din. Nakainuman ko kasi birthday ng boyfriend niya" paliwanag ko

"Ahhhh sige, kumain ka na?" Tanong niya

"Nagmilk tea lang pero gutom na ako" sabi ko

"Tara sa dorm mo. Paglutuan na lang kita ng mabilis hehe" sabi niya

Bumili lang siya ng lutong ulam at ininit niya.

"Akala ko ba magluluto ka? Haha"sabi ko

"Hehe baka ma late ka eh, 12:20 na oh"sabi niya

Nag cr muna ako para magshower uli ng mabilis.

"Okay na kain na tayo" sigaw niya saken.

Lumabas akong nakatapis ng tuwalya.

Wala naman special sa katawan ko, sakto lang na di nag gygym kaya nagmadali ako para kumuha ng damit.

Pero nung palapit na ako, kinuha niya yung kamay ko at hinatak palapit sakanya.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon