Yung kasama niya kasing tangkad niya, yung katawan niya e maganda din, mukhang nag gygym. Naka sando rin siya at basketball na shorts. Hindi siya moreno, hindi rin mestiso. Matangos yung ilong, naka braces kaya pag ngumingiti siya cute siya. At isa pa, chinito siya!!

"Uyyy"bati ko kay Bryan

"Eto si Paulo, tropa ko. Taga school din siya, Mechanical Engineering. Siya yung may birthday!" Sabi pa ni Bryan

"Ahhh uy Happy Birthday hehe" bati ko naman

"Salamat!" At ngumiti siya. Labas yung braces kaya sobrang cute.

"Tara na?" Pahabol pa ni paulo.

Naglakad na kami. Nasa gitna ako, nasa kanan ko si paulo, sa kaliwa si Bryan.

Tiwala ako kay Bryan kaya di ako kinakabahan masyado.

Dumating na kami sa bahay ni Paulo. Sa kabilang kanto nga lang. Malaki yung bahay nila, pagpasok mo may garahe pa bago ka makapasok sa mismong bahay.

Walang sasakyan at mukhang pwesto talaga to ng inuman.

Pagpasok sa sala maingay, maraming nagtatawanan at kumakain. Mga bisita ni Paulo na namumukaan ko kasi nakikita ko sila pag bibili ako sa tindahan.

"Mga pre si Patrick pala!" Pakilala saken ni Paulo sa tropa niya.

"Ahhhh yan yung taga kabilang kanto diba?" Tanong nung isa

"Oo hehe" ngumiti lang ako

Pumunta na kami ni Paulo at Bryan sa salat at kumuha ng pagkain.

Malawak yung bahay nila. Pwede nga sa loob mag inuman eh kaso mamaya na daw kami pumasok pag tulog na lahat ng tao sakanila.

Kumain na kami at naginuman. Nasa garahe kami at may 8 na upuan, walo kasi kami.

Nakalimutan ko na pangalan nilang lahat basta naalala ko lang si Dennis, kasi siya yung pogi sa grupo nila. Matangos din ilong at may pagka chinito na mapungay. Mestiso at malaki din katawan, lahat ata tong mga to batak sa gym eh.

Kwentuhan at asaran lang yung mag ttropa. Ngumingiti lang ako at nakikitawa.

"Okay ka lang??" Tanong ni Bryan saken

"Oo, nakakatawa nga kayo eh hehe" sabi ko naman

"Buti nageenjoy ka hehe" sabi niya sabay akbay saken.

Tumingin naman silang lahat sa ginawa ni Bryan pero tuloy pa rin yung tawanan at asaran.

"Pat marunong ka ba kumain ng crab?" Tanong saken ni Paulo.

"Aba oo naman." Sagot ko.

"Yown!! Tara kunin natin sa loob" sabi niya naman.

Pumasok kami sa loob pero sumama si Dennis.

"Tangina pare lasing na sila kuya boleng at pandak hahhaa" sabi ni Dennis kay Paulo

"Oo nga ehh mamaya tulog na yun haha" sagot ni paulo

"Pre san ka nag aaral?" Tanong saken ni Dennis. Naka braces din pala siya at sobrang pogi talaga. Yung chinito niyang mata tinitignan ako ng direkta sa mata

"Ahhhh magkaschoolmate lang kami! Hehe" sabi naman ni Paulo

"Wow malapit lang naman samen. Taga CEU ako pre. Minsan bonding tayo dun!" Sabi naman ni Dennis

"Hehhe sige sige" sabi ko naman

Bumalik na kami sa garahe at may dalang crab. Hinimay ko to at tuwang tuwa silang lahat dahil walang maruong sakanila pero gustong gusto nilang pulutan to.

"Salamat pare! Pag may inuman dito tawagin ka namen para may tagahimay haha" biro ni kuya Boleng.

Lasing na lahat pero ako hindi talaga madaling malasing.

Lasing na lasing na rin si Bryan at nakahiga na sa may garahe.

Ako, Si Dennis at Paulo na lang gising at nagiinom.

"Pano pala kayo nagkakilala ni Bryan?"tanong saken ni Dennis.

"Ah ka block ko siya hehe." Sagot ko

"Ka block lang? Hehe"biglang nagkangitian si Paulo at Dennis.

"Ha? Hehe oo" sagot ko na lang.

"Alam mo pat, di naman nagyayaya yan si Bryan kung wala eh haha. Alam namen"sabi ni Paulo habang nakangiti.

Nakangiti din si Dennis saken. Lasing na sila kaya malakas mang asar.

"Hahaha siguro ganun din kayo no?" Pang aasar ko naman sakanila.

"Hahaha wag mo ibahin usapan. Kayo ba ni Bryan? Iba kaya yung akbay niya sayo"sabi naman ni Paulo.

"Hala hindi ahhhh"sabi ko naman

"Wag kana kasi magpanggap haha okay lang naman samen."inaasar na nila akong dalawa.

"Bakit ba sobrang curious niyo? Haha" tanong ko naman

"Para maasar lang namen si Bryan haha dali na" sabi ni Dennis.

"Hindi nga. Pero mukhang nanliligaw" sabi ko nalang.

"Wow top pala si Bryan. Bottom ka no?" Sabi ni paulo

"Anong top? Anong bottom?" Sabi ko. Di ko kasi alam.

"Kumbaga sa lalaki at babaeng relasyon, yung lalaki yung top, yung babae yung bottom parang ganun." Sabi ni Paulo.

"Ahhh ganun pala. Hindi naman siguro hehe" sabi ko

"So versa ka?" Sabi ni Dennis

"Pwede ba easyhan niyo lang sa term? Lasing ako di ko maaalala yan hahahaha" sabi ko naman

"Haha okay lang yan! Eto ngang si Dennis bottom to eh hahaha" pang aasar ni Paulo.

Ha? Si Dennis na gwapo at malaki katawan, BOTTOM?

"Ha eh Bi ka?" Tabong ko kay Dennis

"Haha di ba halata? Galing natin no babe?" Sabi ni Dennis kay Paulo

"Babe?!!!!" Sabi ko sakanila.

"Hahahhaa gulat na gulat ka ah. Di ka ba naniniwala?" Sabi naman ni Dennis.

Umakbay si Paulo kay Dennis at ngumiti sila saken.

Tumingin ako ng kakaiba at nakaramdam ako ng kakaiba.

"Oh bakit ganyan ka makatingin samen? Ahhahah" sabi ni Dennis

"Kayo bang dalawa?" Tanong ko sakanila

"Haha sa tingin mo?" Sabi ni paulo

"Oo!!" Sabi ko ng gulat na gulat talaga.

Gwapo si Dennis at malaki katawan, ganun din si Paulo. Kung titignan bagay silang dalawa!

"Haha oo kaming dalawa. Haha wag kana magulat" sabi naman ni Dennis.

"Wag niyo ako pinaglololoko ahhh"medyo inis kong sabi.

Nagtawanan silang dalawa.

"Gusto mo pruweba?" Sabi ni Dennis

At nagtinginan sila at naghalikan sa harap ko.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon