Tumigil din ang pagi-ingay ng phone ko.

Pero nag-ring ulit.

"Fuck !" mahina akong napamura.

Tng'Na namang istorbo to.

Hindi na natigil ang pag-ring.

Marahan akong bumangon, at naalis ang kamay ni Celine na nakayakap sakin.

I grabbed my phone at agad na sinagot yun.

"Fvck ! Why the hell are you calling me at this so early time ?!"

"You and your bad mouth, dhie."

Huh ?

Babae ang nasa kabilang linya.

Natingnan ko ang caller ID.

Number lang.

"Who the hell are you ?"

"Nakalimutan mo na ako agad ?"

Damn ! Sino ba to ?! Ang aga-aga, nambubuwisit sakin.

"Kung ayaw mong magpakilala, then don't ca---"

"I'm your first love, honey ..."

Natigilan ako.

First love.

So it means, si Claire to ?

" ... And will be your last, Jared."

Napatiim bagang ako.

Hindi ba siya marunong umintindi ng tigilan ako ?

"What do you want ?"

I don't have any idea where and how she got my number.

"Isa lang naman ang gusto ko, dhie. Ikaw. Tayo. Magsimula ulit tayo. Ayokong masayang ang pag-uwi ko dito dahil hindi man lang kita nabawi. Jared, I want you back, badly. Let's start over again. I know that your marriage with Celine was only arrange. Madali mo lang naman siyang hiwalayan eh. Marami tayong ways. May relative akong attorney, dhie. We can ask some help from her. So there will be no problem about that. Alam ko namang hindi totoo na mahal mo ang babaeng yan. Sinabi mo lang yun para pagselosin ako. Too bad, I didn't believe it, honey."

Walang hiyang babae to, ah. Akala niya niloloko ko lang siya. Damn.

Nahigpitan ko ang hawak sa cellphone.

"You know what, wala akong pakialam kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko. Basta ako, alam ko sa sarili ko na mahal ko si Celine. Totoong mahal ko siya. And I don't have to do something just to prove it to you, Claire. Just admit it to yourself. We're over. And just face the reality that I'm inlove with someone else. Someone better than you. Someone who sees my worth unlike you. Kaya wag ka ng magsayang ng oras na kausapin pa ako at ipilit ang gusto mo."

"Pero hindi ako papayag na sumaya kayong dalawa ! Tandaan mo Jared, hinding-hindi ako papayag na maging masaya si Celine ! Hindi ko siya hahayaang manalo na lang palagi !"

I frowned.

Ano bang problema niya kay Celine ? Parang galit na galit siya dahil sa ibang dahilan at hindi dahil na-inlove ako sa kanya.

"Shaun ? ... Shaun ? Sino'ng kausap mo ?"

Nalingon ko ang asawa ko. Lumayo kasi ako ng konti at tumungo sa tapat ng bintana.

Napangiti ako ng masilayan ang maganda niyang mukha na nakangiti na sakin.

"Ah, wala to, baby ..." at sinadya ko talagang iparinig yun kay Claire.

"That bitch !" halata na sa boses niya ang inis.

"She's not bitch, Claire. Watch your words. See ? ... Ang lambing ko sa asawa ko, di ba ? ... Bakit, naiinggit ka ba ? Too bad, you didn't treat me right.Kung may isang bagay man akong dapat pagsisihan, yun ay ang na-inlove ako sa isang walang kwentang tao na kagaya mo."

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now