SPECIAL RAINCLOUD

1.6K 86 3
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Noong nagising ako sa ospital at nawalan ng malay ay naging OA lang talaga si Arwin sa reaksiyon niya dahil ang totoo ay nakatulog lang ako, at sa lumipas na araw ay naging maayos na ang kalagayan ko.


Nang maka-recover na ako nang tuluyan ay agad kaming nagkausap nila Arvin at Mikey at pinatawad ko din na ang mga ito, alam ko naman kasi na labag din sa kalooban ng dalawa ang ginawa nila at tiyaka gusto ko na ding tapusin ang mga bagay na pwede pagsimulan ng samaan ng loob o anumang gantihan factor, medyo nakakapagod na din kasi, mas masaya yung alam mo na wala ka nang poproblemahin pa.


Ayon kay Arvin, si Ron ay dinala sa isang mental hospital dahil natuklasan na nagkaroon siya ng mental problem ng dahil sa sobrang depression na naging dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na muntikan ng ikapahamak ng buhay namin ni Arwin. At yung samahan naman na pinamumunuan niya ay nawala na din kasabay ng pagpasok niya sa mental hospital.


Naging maganda at matatag din ang tambalang ChiVon, mas naging sweet pa lalo ang dalawa sa isa't isa pagkatapos ng lahat ng naging problema sa barkada.


Nagkaroon na din ng patawaran sa pagitan nila ko at KFC sisters at ng buong barkada kaya naman masaya na muli ang lahat, kasabay din nito ang pag-usbong ng mga new couples tulad ng Justine and Kaloy, Orly and Kris, Francis and Arvin at in the end after all the trouble ay nagkatuluyan din sila Russel at Clarence, si Mikey naman ay naging boyfriend ni Sarah, habang si Eunice naman ay si Niccolei ang manliligaw, yeah di kayo nagkakamali ng nabasa ayan na po ang nabuong love team.


Kami ni Arwin? Heto nakatayo sa tulay at isinisigaw sa buong mundo kung gaano namin kamahal ang isa't isa, minsan talaga susubukin tayo pero kung magpapakatatag tayo, maniniwala kay God, sa mga tao na nagmamahal sa atin at sa ating sarili, sisiw lang ang challenges na yan, di man malampasan ngayon eh di bukas hanggang sa masolusyunan, sabi nga hangga't may buhay may pag-asa, tignan niyo kami now we are more stronger and better and we will keep on going and take all the challenge without hesitation and fear in our hearts anymore because we know love can conquer anything, and love wins.

Rain.Boys IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon