RAIN CLOUD: 14

1.7K 94 3
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:


"May problema ka ba Drip? Di niyo pa din ba nakakausap si Clarence?" ang tanong ko kay Luke dahil napansin ko na simula kanina ay tahimik siya at tila malalim ang iniisip, magkatabi kami at magkasama sa iisang upuan dito sa jeep na sinasakyan namin pauwi pero parang hindi ko siya kasama, para bang sa sobrang lalim ng iniisip niya ay lumalayo din siya sa akin.


"Uy Drip, magsalita ka naman oh. May problema ka ba?" ang tanong ko muli sa kanya.


"Ah, ha? Ano ulit yung sabi mo?" ang tanong niya sa akin na halatang nabigla pa siya sa pagtatanong ko sa kanya.


"May pinoproblema ka no? Napansin ko kanina ka pa walang imik diyan at mukhang ang lalim ng iniisip mo, pakiramdam ko tuloy ay di kita kasama." ang sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Ano bang iniisip mo o pinoproblema mo Drip?" ang dagdag kong tanong sa kanya.


"Ah wala to Drop, pasensiya na ha kung pinag-alala na naman kita, wag mo na ako alalahanin Drop, ays lang ako." ang sabi ni Luke sa akin at ngumiti siya sa akin na halatang pilit kaya naman pinitik ko siya sa noo niya ng mahina.


"Tumigil ka nga Drip, wag ka mo ngang pilitin ang sarili mo na ngumiti kung di ka masaya, tiyaka di ba napag-usapan na natin to na kung may problema ka ay sasabihin mo sa akin para parehas tayo ang umisip ng solusyon? Wag mo sabihin sa akin na nakalimutan mo na yon?" ang sabi ko sa kanya bilang sermon, wala akong pakialam kung may nakakarinig man sa pinag-uusapan namin ni Luke dahil mas mahalaga sa akin ang malaman kung ano ba ang pinoproblema niya at mas mahalaga sa akin na ayos siya.


"Okay nga lang ako Drop, wag ka na mag-alala." ang sabi niya sa akin bilang pagpupumilit na wag ko na siya usisain pa, pero dahil ako si Arwin at dahil mahal ko siya at nag-aalala ako ay di ako tumigil na kulitin siya.


"Hindi kita titiglan hanggang di mo sa akin sinasabi kung ano ang pinoproblema mo." ang sabi ko sa kanya, pero hanggang sa makababa kami ay hindi siya nagpatinag sa kakulitan ko at mas naging dahilan pa iyon para mag-alala ako sa kanya.


Magkahawak kamay kaming naglakad para ihatid ko siya sa bahay niya, tulad noong nasa jeep kami kanina ay naging tahimik na naman si Luke kaya naman huminto kami sa paglalakad at nanatili kaming nakatayo sa liwanag ng ilaw ng isang poste.


"Bakit tayo humito Drop?" ang tanong niya sa akin pero sa halip na sagutin ko siya ay agad ko siyang niyakap ng ubod higpit at ilang sandali lamang ay niyakap na niya ako narinig ko na ang mahina niyang pagluha, nararamdaman ko din ang luha niya na bumabasa sa uniporme kong suot.


"Alam mo naman na nandito lang ako di ba? Bakit hindi mo sabihin sa akin ang problema Drip, hanggang ngayon ba naman ay naglilihim ka pa din sa akin ng mga dinaramdam o iniisip mo? Drip nandito lang naman ako palagi para sayo eh, kaya sabihin mo na kung ano ang dinaramdam mo." ang sabi ko sa kanya habang nananatili kaming magkayakap.


"Alam ko naman yon Drop, alam ko na lagi ka lang nandiyan para sa akin, pero nahihiya na din ako sayo Drop kung pati yung mga problema na dapat ay ako na lang ang mag-solve ay idadamay pa kita." ang sabi ni Luke habang umiiyak pa din siya.


"Para ka namang sira Drip oh, ano mo ba ako? Ano ba ako sayo? Tiyaka Drip nangako ako na hindi kita iiwan kaya ang ibig sabihin non pati sa problema ay kasama mo ako, magkasama tayo palagi sa lahat ng bagay, kaya sige na Drip sabihin mo na kung ano yang dahilan bakit ka umiiyak." ang sabi ko sa kanya at bumitaw ako sa pagyakap ko sa kanya at tinignan ko siya sa mga mata niya habang pinupunasan ko ang luha niya. "Sige na Drip sabihin mo na sa akin." ang sabi kong muli.

Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now