RAIN CLOUD: 10

1.8K 98 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Noong lunch break ay sama-sama kaming nag-lunch na magkakaklase sa malapit na canteen sa building ng college department namin, dahil na din sa ulan kaya naman doon na lang kami nagpasiya na kumain, doon na lang din namin naisipan na hintayin pa si Arwin at ang iba pa naming barkada na nagkataong kasabay ng lunch break ang lunch break nila, pagpasok sa canteen ay humanap kami ng table na magkakasya kaming lahat kasama na yung mga darating pa lang, lingon dito, lingon doon ang naging drama namin at sa awa ng Diyos ay nakakita kami sa may bandang kaliwa ng canteen, kaya agad na namin itong pinuntahan bago pa may makaupo dito. Pagkaupo namin ay kinuha ko ang photocopy na binigay sa akin ni Arvin kanina upang basahin ito habang hinihintay sila Arwin.


"Uy girl ano ba yang binabasa mo? Mukhang napakahalaga naman niyan." ang tanong sa akin ni Kris sa akin.


"Ah heto ba? Binigay sa akin to ng kasama ko dun sa project ng university." ang sabi ko bilang sagot na nakatuon pa din ang atensiyon ko sa aking binabasa.


"Grabe ha, talagang kinakarir mo girl yang project na yan ah." ang sabi naman ni Francis.


"Oo nga, hindi lang naman ikaw di ba ang representative ng college department natin para diyan? Kaya bakit parang super karir mo yan?" ang tanong ni Kris bilang pag-uusisa.


"Ah ayoko lang kasi may masabi yung antipatikong lalaki na dahilan bakit ako naligo sa tubig baha noong first day." ang sabi ko na napanguso dahil naalala ko na naman yung nakakahiyang nangyari sa akin na iyon.


"OMG! You mean girl kasama niyo sa grupo niyo yung lalaki na nag-overtake sayo kaya ka nalaglag noon sa tubig baha? Gravity ang heavy ah, akalain mo girl dinaig niyo pa ang destiny." ang sabi ni Francis na napakalakas pa ng pagkakasabi kaya naman may mga ilang estudyante na napatingin sa puwesto namin.


"Uy grabe ka maka-react ah kailangan broadcast? Oo, kagrupo ko nga yung antipatikong yon, buti na lang kagrupo din namin sila Drop kaya naman di ako masisiraan ng ulo para makisama don." ang sabi ko naman bilang sagot sa kanya.


"Eh sino ba kasi yung mister antipatiko na yan? Nalaman mo ba yung name niya?" ang tanong ni Kris.


"Hindi ko alam what's his complete name is, pero alam ko Irvin ang tawag sa kanya ng mga kasama niya na ka-college department niya lang din." ang sabi ko at nabigla kami nang biglang mapatayo si Francis kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya, maging yung nasa kalapit naming table ay napatingin na din sa kanya.


"Uy bakla ano bang nangyayari sayo, sinasapian ka ba?" ang tanong ni Clarence sa kanya at sabay nilang hinawakan ni Kris ito sa braso at hinila para maupo.


"Okay ka lang ba Francis?" ang tanong ko sa kanya, dahil bigla itong natahimik at nangingiti na parang ewan, ngayon ko lang nakita na nagkaganito ang kaibigan kong ito.


"Girl, yung Irvin ba na ito ay Suarez ang apelyido at Architecture student?" ang tanong ni Francis sa akin na nakangiti at may kislap ang mga mata nito.


"Uhm excuse me di pa ba tayo oorder ng makakain?" ang singit na sabi ni Chini.


Rain.Boys IVWhere stories live. Discover now