RAIN CLOUD: 22

1.6K 75 0
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Alas-dos pa lamang ng madaling araw ay gumising na agad kami ni Arwin, pagkatapos namin na gawin ang aming mga morning rituals tulad ng paghihilamos ay agad na kaming lumabas ng kwarto namin at agad na bumaba at tinungo ang front desk para makapag-check-out na kami, walang tao noong mga sandaling iyon sa front desk kaya naman nag-bell kami at mayamaya ay dumating ang babae na umasikaso din sa amin noong dumating kami doon mukang naistorbo pa namin siya sa pagtulog niya, pero malugod pa din naman kami nitong binati ng good morning, naku kung ako si ate ay baka sinapok ko ng isa yung iistorbo sa tulog ko.


"Thank you for staying in our hotel sir." ang sabi ng babaeng receptionist na nakangiti pa nang matapos na kami sa pag-sign para sa checking out namin.


Nang matapos na kami sa pag-check-out ay agad na kaming lumabas ng hotel pero bumalik din kami agad para magtanong sa guard kung saan kami pwedeng sumakay ng bus at kung may bumabiyahe na nang ganoong oras, ayon kay manong ay mayroon namang bumabiyahe ng ganoong oras at itinuro niya sa amin kung saan kami dapat maghintay ng bus, nagpasalamat kami kay manong guard sa mga information na binigay niya at pagkatapos ay tuluyan na nga naming nilisan ang hotel at naglakad ng magkahawak ang kamay papunta sa itinuro sa amin ni manong na lugar para makasakay kami ng bus.


"Inaantok ka pa ba?" ang tanong sa akin ni Arwin habang naglalakad kami, napansin niya siguro na papikit-pikit pa ako noong mga sandaling iyon.


"Medyo pero okay naman ako." ang sagot ko sa kanya.


"Gusto mo pumasan ka na lang sa akin para makatulog ka pa?" ang alok niya sa akin.


"Wag na no, masiyado ka na madaming nagawa para sa akin Drop simula kahapon pa, alam ko na napagod ka din." ang sabi ko naman sa kanya at tila nagising ang diwa ko noong bigla niya akong buhatin, "hoy ibaba mo na nga ako, sabing okay lang ako Drop eh." ang sabi ko sa kanya.


"Wag ka na pumalag baka mabitawan kita sige ka kaw din masakit babagsakan mo, tiyaka hindi ko binibilang ang ginagawa ko para sayo, hindi din ako napapagod kung lahat naman ng ginagawa ko ay para sayo, kaya wag mo iisipin na madami na akong nagawa para sayo at napapagod ako sa ginagawa ko sayo, dahil kahit kailan hindi mangyayari yon." ang sabi ni Arwin sabay ngiti sa akin kaya naman hindi ko na napigilan pang mangiti din, ito talagang kapreng hilaw na ito ang daming alam na kakesohan.


Nagpatuloy sa paglakad si Arwin habang buhat niya ako, habang nakasandal naman ang ulo ko sa balikat niya at nakayakap ang mga braso ko sa leeg niya, pinagmasdan ko siya sa ganoong posisyon, hindi ko maiwasang hindi mangilid ang luha ko at mag-isip ng kadramahan dahil bumalik sa akin ang mga alaala na tiniis niya para sa akin, alam ko nakakaramdam din ng pagkapagod itong mokong na ito, alam ko na hindi niya lang ito sinasabi sa akin dahil alam niya kung gaano ako kabilis maapektuhan ng mga negative vibes, at alam ko na ayaw na niya pa akong malungkot pa.


"Matunaw ako niyan ha, titig na titig ka na naman sa kagwapuhan ko." ang pabirong sabi ni Arwin nang mapansin niya ako na nakatingin sa kanya.


"Asa ka naman yung langit kaya tinitignan ko." ang palusot kong sabi.


"Naku kung di ko pa alam eh ako ang langit mo." ang sabi ni Arwin at tumingin ito sa akin na nakangiti.


Rain.Boys IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon